Chapter 4. Ang pinakamanhid na babae sa balat ng lupa

112K 1.1K 159
                                    

Tanghali na nang nagising si Lyra marahil na rin ay dahil sa hatinggabi na rin natapos ang ball. Pumunta siya sa sala at nakita ang kapatid niyang si Botchok na nanonood ng TV. Umupo siya sa tabi nito at nagsimulang kulitin ang kapatid.

"Aba himala, wala ka sa laruan ngayon ah." habang ginugulo nito ang buhok ng kapatid.

"Naku ate, tigilan mo ako isusumbong kita kay Nanay." inis na sabi ng kapatid.

"Oh e di isumbong mo." pagmamalaki naman nito

"Kay Kuya Richard na lang kita isusumbong."gumanti na rin ng asaran ang kanyang kapatid.

"Feeling close!" sabay tawa ni Lyra.

"Aba oo naman." Tawa rin ng kanyang kapatid.

Sandaling natigilan ang kapatid at nag-isip ng malalim. Parang matanda talaga ang kapatid niyang si Botchok kapag nag-iisip.

"Ate, sinong gusto mo si kuya Luke o si kuya Richard?"tanong ng kapatid nito.

"Hoy! bata ka pa ha, kung anu-anong sinasabi mo. Saka naman kahit may magustuhan ako sa kanila himala na lang na magkakagusto sila sa akin." biro pa rin ni Lyra.

"Seryoso ate, si kuya Richard o si kuya Luke? Pili ka na lang ng isa. Yung mas lamang" pagpupumilit ng kapatid niya sa kanya.

"Si Luke, kagabi ko lang nakilala 'yon at saka pamangkin lang 'yun ni Ninang." paliwanag niya.

"E si Kuya Richard?" Nakangiting tanong ni Botchok.

"Si Richard? Maalaga siya, masarap kausap, tipong hindi mo napapansin ang oras kapag kausap....."Napansin niyang sa iba nakatingin ang kapatid lumingon ito at nakita si Richard.

"Don't stop now. Keep digging." biro ni Richard.

"Kanina ka pa? Sandali punta lang akong kusina" Nataranta si Lyra at aktong pupuntang kusina ng hawakan siya sa braso ni Richard.

"Dito ka lang." Pigil ni Richard sa kanya.

Sumunod na naman ang isang nakabibinging katahimikan. Hindi pa mababasag iyon kung hindi magsasalita si Botchok.

"Gusto mo ba ang ate ko?" tanong ni Botchok. Hindi nakasagot si Richard sa pagkaprangka ng batang kapatid ni Lyra. "Ano? Oo o Hindi lang ang hirap pang sumagot. Ang weird niyo talagang matatanda." dugtong pa nito.

Lalong tumahimik ang dalawa. Tanging ang tunog na lang ng telebisyon ang naririnig ng mga ito. Napansin naman ni Lyra na may kinuha sa bulsa ng short ang kanyang kapatid at kinain.

"Hoy! Ano yang nasa bulsa mo?" Wika ni Lyra sa kapatid.

"Chocolates, galing kay Kuya Richard. Bigay niya kaninang dumating siya. Meron ka rin. Nilagay ko sa kwarto mo kanina. Ang lakas mo pa ngang humilik kanina."natutunaw sa kahihiyan si Lyra sa pagkaprangka ng kapatid.

"Kanina ka pa?" tanong naman ni Lyra sa binata.

"No, ngayon lang." Patay malisyang sagot ng binata.

Tila hindi naman nagustuhan ni Botchok ang sagot na iyon ni Richard at nakisali na naman siya sa usapan.

"Anong ngayon lang? Dito ka nga nag-agahan. Tingnan mo ate ang tiyaga ni Kuya Richard, kung ibang tao 'yan kanina pa umalis at sa lakas ng hilik mo kanina dapat sana tumakbo na 'yan pauwi" seryosong sabi ng kapatid

Bumaling naman ang kapatid nito kay Richard. Mukhang walang balak tumigil si Botchok sa pangungulit sa dalawa.

"May date ba kayo ngayon?" Tila masyado ng nagiging matanong ang kapatid nito. kaya't sinaway na siya ni Lyra.

My Chinito (Published by Lifebooks/ Wattpad Presents Completed)Where stories live. Discover now