Chapter 5: Haba ng Hair

106K 1K 98
                                    

Nakauwi na sa bahay si Lyra pero nasa isip pa rin niya ang sinabing iyon ni Richard. Humiga s'ya at sinubukan niyang matulog pero kung anu-anong ini-imagine niya na pwedeng mangyari. Para bang may sarili siyang pelikula sa kanyang isipan. Naroon ang magkasintahan sila ni Richard at nagseselos ito, meron pang isa na nanliligaw ito.

*Naku ano, ba tong nasa isip ko. * inis na sabi ni Lyra sa kanyang sarili

Tumungo siya sa harap ng salamin at tiningnan mabuti ang sarili.

*Hindi naman ako pangit. Siguro naman may pagkakataon na may naramdaman din siya sa akin, higit kaya yon sa pagiging magkaibigan lang? Pwede kayang mangyari na mahalin niya rin ako. * Kinakausap niya ang sarili niya ng pumasok sa kwarto ang kapatid niya.

"Ate nandito kanina si Kuya Luke. May dalang flowers, manliligaw yata. Kaya lang hindi tulad ni Kuya Richard walang dalang chocolates, aanhin naman natin ang flowers."

"Nanggaling kasi ako kila Richard. Nag-celebrate kami ng birthday ng Lolo niya, kaya medyo ginabi ako." paliwanag niya sa kapatid.

"Birthday? Maraming pagkain?" sabik na tanong nito.

"Marami, pero hindi gaya natin, karamihan sa pagkain eh panghapunan." Kwento pa nito sa kapatid.

"Gusto mo ba siya?" tanong na naman niya sa ate niya. "Kasi kung gusto mo siya sasabihin ko kay Kuya Luke h'wag nang umasa kasi may boyfriend ka na." dugtong pa nito. Walang preno ang bibig ng kapatid niya sa tuwing mag-uusap sila.

Nginitian nito ang kapatid pero pinili niyang huwag na lang sumagot. Tumabi ito sa harap ng salamin sa ate niya. "Ano bang tinitignan mo diyan ate? Hindi ka naman madalas nagsasalamin" pagtataka ng kapatid niya.

"Maganda naman ang ate, di ba?" tanong niya sa kapatid niya.

"Oo naman, wala namang pangit sa atin." sagot niya.

"Hindi, Isipin mo kung hindi tayo magkapatid, sa tingin mo maganda ba ako?" muli niyang tinanong ito.

"Trick question ba 'yan?" Natawa siya sa sagot na iyon ng kapatid niya.

Mayamaya pa ay pumasok ng kwarto ang kanilang ina. Nakita silang dalawang magkapatid na nakaharap sa salamin at sinamahan din sila.

"Bakit kayo nandito?" tanong niya sa mga anak nito.

"Si Ate nagtatanong ng kung anu-ano." kwento ng kapatid niya sa nanay nila.

"Inay, sa tingin niyo kaya may magkakamaling umibig sa akin?" biro niya sa ina, pero seryoso ang tanong na iyon sa kalooban niya.

"Tungkol ba to kay Sir Richard?" tanong ng kanyang ina. Tumango na lamang siya sa tanong na iyon. "Anak, maganda ka. Maraming pwedeng magkamali sayo. Sabihin na natin na pwede namang mahalin ka ni Sir Richard. Kaya lang nag-alala ako na baka hindi iyon magtagal at masaktan ka lang. Bata pa kasi kayo." Paalala niya sa kanyang Anak.

"Nay, hindi naman ho siguro masamang umasa. Malay nyo naman."

"Ah siya siya, baka gusto niyo nang maghilamos na magkapatid at ng matulog na" utos nito sa kaniyang dalawang anak gumagabi na rin kasi.

"Ate ang weird mo." Wika ni botchok sa kanyang ate habang nakatulala ito sa kawalan.

"Nga pala! Ang Ninang mo ay may bagong bukas na fastfood restaurant malapit sa University. Naghahanap siya ng mapagkakatiwalaan niya. Baka naman puwede ka?" Tanong pa ng kanyang ina.

"Sige ho Nay, pag-iisipan ko." Naisip niya na baka iyon na ang solusyon para malayo ang loob niya sa binata.

#

My Chinito (Published by Lifebooks/ Wattpad Presents Completed)Where stories live. Discover now