Prologue

18.4K 583 29
                                    

Prologue

Tanya...

She's so nervous right now.

Ilang taon na ba ang nakaraan bago niya ito gawin ulit, naiisip pa nga niya matanda na yata siya para dito.

Naiisip niya baka maglagutukan lahat ng buto niya mamaya sa gagawin niya. pero kailangan niyang gawin ito, para sa pagsasama nila ni Zach.

Their been married for what fifteen years.

Pakiramdam niya nagsasawa na sa kanya si Zach, kasi naman kung umuwi na ito sa gabi sobrang gabi na as in gabing gabi na iyong tipong tulog na ang lahat. Tapos sa umaga magigising siya wala na din ang asawa niya sa tabi niya.

Tuwing linggo na nga lang niya nakakasama ang asawa niya tapos mga anak lang nila ang inaatupag nito paglinggo. Nag-uusap naman sila pero para sa kanya may kulang, kasi civil nalang sila kung mag-usap hindi kagaya noong medyo bata bata pa sila na hindi lang usap ang ginagawa nila.

Dahil nga doon nakarami silang dalawa, aba hindi naman biro na magkaanak ka ng lima sa panahon ngayon. Kung hindi pa siya pinaligate ng ate ni Zach baka deretso pa ang panganganak niya hanggang ngayon.

Simula din kasi ng naligate siya napansin niya nawalan na ng gana si Zach sa kanya. o tamang sabihin na nawalan siya ng gana sumunod nalang si Zach sa kanya. isama pa na may lima silang anak na kailangan niyang asikasuhin kaya naman nabawasan ang quality time nilang dalawa ng asawa niya.

Kaya ngayon kailangan niyang bumawi sa asawa niya. kailangan niyang ibalik ang init ng pagsasama nilang dalawa. malalaki naman na ang mga anak nila kaya okay ng si Zach na ang pagtuunan niya ng pansin ngayon.

Kaya mo ito Tanya. Pagbibigay pa niya ng lakas sa sarili niya.

Its their fifteen'th wedding anniversary kaya naman pinaghandaan niya ito ng bongga.

Nagpapayat pa nga siya kasi napansin niyang tumaba na siya. Iyong dating 24 niyang waist line ngayon 36 na kaya naman ilang buwan din ang ginugol niya para pumayat. Hindi man niya na-achieve ang dating bewang atleast 28 nalang ito ngayon kaysa naman sa 36.

Makailang beses na siyang uminom ng wine na inihanda niya para sa anniversary nila ng asawa. Kahit hindi niya makita ang oras alam niyang malalim na ang gabi. Kaya naman nagpasya na siyang pumanhik na sa taas, Malabo ng dumating ang asawa niya ng maaga.

Ilang beses na siyang napatingin sa relo sa bedside table nila, its says na mag-aalas dose nan g madaling araw.

Nagsisimula na siyang maiyak. Hindi man lang ba naalala ng asawa niya na anniversary nila ngayon kaya hindi man lang ito umuwi ng maaga. Ilang minuto nalang matatapos na ang araw ng anniversary nila.

Tuluyan na siyang napaiyak ng humatong na ng alas-dose ang oras ngunit wala pa din ang asawa niya sa bahay. Nakatulugan na nga niya ang pag-iyak at paghihintay sa asawa niya.

Kinaumagahan ginising lang siya ng mga anak nila, kahit puyat kailangan niyang tumayo para ipaghanda ng agahan ang mga ito. kasi kahit naman linggo maaga pa din kumakain ang mga anak niya.

Laking gulat niya ng makitang nakahiga pa din sa tabi niya ang asawa ng mamulat ang mata niya.

"Mom, c'mon I'm hungry"reklamo ng panganak niyang si Zoe.

"Me too"segunda ng pangalawang si Tan

"Me three"ani ng pangatlong si Zeus

"Me four"nakangising turan ng pang-apat na si Trishia.

MY FORIEGNOY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon