Five

11.6K 390 9
                                    

Five

Tanya...

Nanghahaba ang nguso nila ngayon habang nakatitig sa natutulog na si Zach sa sala nila. Nakahiga ito sa banig na inilag ng mga kapatid niya para dito.

Bakit ba simpleng pagtulog nito mukha pa din model ito ngayon na iminomodel ang banig nila.

Kainis...

"Hoy ate, baka malusaw"bulong sa kanya ng kapatid.

Nang lingunin niya nakita niyang si Gigi lang pala at gaya niya nakatitig din it okay Zach.

"Ate, tiba-tiba ka kay Kano"bulong na naman nito sa kanya.

Binatukan nga niya ito.

"Asan ang galang mo dun Gigi. Mas matanda satin iyan"angil niya dito na pabulong lang.

"Aray naman ate"nakabusangot na sagot ng kapatid niya.

Inirapan niya ito, at muling ibinaling kay Zach ang mata niya. halata sa mukha nito ang pagod, maghapon ba naman kasing nagsibak ng kahoy ang loko. Ilang beses na niyang sinabing hindi naman kailangan na magsibak ng kahoy nagsibak pa din ng kahoy ang binata. Part daw iyon ng panliligaw nito sa kanya.

"Sagutin mo na ate, tapos pakasalan mo na agad para madala ka sa ibang bansa. Pagnandoon ka na ate kunin mo na kami"bulong sa kanya nito.

Nakaisang batok na naman siya dito.

"Mabobobo ako niyan ate, kainis ka naman"angil na naman nito.

"Ano bang tingin mo sakin, mukhang pera. Kahit naman kailangan natin ng pera hindi ko naman kayang gawin iyong sinasabi mo. Kahit pogi ito at macho hindi ko naman siya kayang lokohin ng ganon"inis na paliwanag niya sa kapatid.

"Hay naku, hindi mo naman siya lolokohin ate, mamahalin mo din naman siya. Maging praktikal ka nalang ate. Mukha namang mayaman si Kuya Zach, atleast kung siya magiging asawa mo ate hindi mo na kailangan na magtrabaho sa club"bulong ng kapatid niya bago siya nito iniwanan doon.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng kapatid niya, ang alam niya walang alam ito sa trabaho niyang iyon. nahihiya pa din naman siya sa mga ito na sabihin na iyon ang trabaho niya kasi naman hindi naman magandang ipagsigawan sa lahat na nagboborles siya para lang kumita ng pera.

"Tanya"

Lalo pa siyang nagulat ng malaman na gising pala ang damoho na ngayon ay nakatitig na sakanya.

"Gising ka pala, tsismoso"inirapan niya ito at akmang iiwanan na niya ito ng hilahin siya nito kaya naman napahiga siya sa tabi nto.

Niyakap siya nito ng mahigpit, naramdaman pa nga niya na inaamoy-amoy nito ang buhok niya.

Naku mabuti nalang nagshampoo ako kanina.

"Let's get married like what your sister told you. Like her I don't want to see you dancing infront of those fvcker's okay. Mali ako noong una na I judge you harshly, but promise Tanya, babawi akow"bulong nito sa kanya.

Tiningala niya ito at nagtagpo ang kanilang mga mata.

"Bakit ano bang tingin mo sakin noon?"nakataas ang kilay niya dito.

Ngumiti naman ito ng sobrang tamis bago nito inilihis ang ilang hibla ng buhok na tumabing na sa mata niya.

"I thought you're a whore.. sorry for the term. Pero I got all the beating from my sisters Ave and Ana when they learned that"sagot nito.

Inirapan niya ito sa nalaman niya, ang sama naman pala ng tingin nito sa kanya.

"Kainis ka ha. Di ako pokpok. Oo nagboborles ako sa harap ng mga lalaki pero wala pang nakakatouch nito"aniya.

"What is nagboborles?"takang tanong naman ni Zach.

Napabungisngis naman siya dito sabay bulong dito.

"No way!"halos pasigaw na sagot nito.

"What? I'm a stripper remember"maarteng sagot niya sabay tayo niya.

"Tanggapin mo man o hindi. Iyon ang trabaho ko na bumuhay at nagpaaral sakin...tse"inis niyang iniwanan ito ng makitang nakakunot ang noo nito sa kanya.

________________

Maaga palang nasa labas na sila ngayon at pupunta sila ng kapatid niyang bunso sa bayan para mamili ng kakainin nila. Nagpumilit na sumama si Zach sa kanila para naman daw matulungan siya nito sa mga papamilihin nila.

Pero sakit lang ng ulo ang dala ng loko, paano naman kasi pinagkaguluhan sa bayan ito.

Ano ba namang malay niyang sikat pala talaga itong lokong ito.

Amerikan band ang kinabibilangan nito noon na sobrang sikat. Namatay lang ang lead singer kaya na disband ang grupo nito pero sikat pa din ang tukmol.

Ang daming mga babaeng nagpapicture sa kanya at wala na siyang nagawa sa inis niya iniwanan nga niya ito sa mga nagkakagulong mga babae.

"Ate, hindi mo ba hihilahin si Kuya Zach tingnan mo oh parang narape na ang itsura"bulong sakanya ng kapatid.

"Hay naku Lulu, hayaan mo na ang isang iyan mukhang nag-eenjoy naman sa atensyon ng mga babae niya"angil niya dito at tuluyan ng iniwanan si Zach sa mga nagkakagulong mga babae.

"Hey, Mahal ko!"napatigil naman siya sa paghakbang sa narinig niyang sigaw ni Zach.

Halos lahat ng ingay sa loob ng palengke nila nawala, para tuloy sila lang ang tao doon ngayon.

"Don't leave me okay"naramdaman pa niya ang pag-akbay nito sa kanya.

"Tara na Lulu"baling naman nito sa kapatid niya.

Para siyang papel na tinangay lang ng hangin na kasama ang lalaking ito, kaysa siya ang mamalengke mukhang mas marunong pa itong makipagtawaran sa kanya.

May ilan-ilan pa din nagkakagulo para sa atensyon ni Zach pero ang buong atensyon nito nasa kanya lang. kaya naman wala na hulog na talaga ang loob niya dito, nauna na nga ang panty niyang taksil sa kanya.

Nagstay pa sila ni Zach doon ng halos dalawang linggo hindi naman siya masyadong iniistorbo ni Zach sa pag-aalaga niya sa kanyang ina at sa pagtatahi niya.

"Nay, kukuha nalang po ako ng makakasama niyo dito. Kailangan ko na talagang bumalik ng maynila. Baka kasi wala na akong balikan kung hindi pa ako babalik doon"pagpapaalam niya sa ina.

Dahil hirap magsalita ang ina niya tanging tango lang ang naisagot sa kanya ng ina niya.

Kaya naman kinabukasan naghanap na siya ng makakasama ng kanyang ina sa bahay para naman mabilinan niya ang iiwanan niya doon kung ano ang gagawin.

Pero hindi pa man siya nakakahanap itong si Zach may dalang ambulansiya ng dumating ito ng hapon. Hindi na nga niya napansin kung saan nagsuot ang loko paggising kasi nila ng umaga wala na doon ang binata.

"Anong gagawin mo sa ambulansya Zach?"takang tanong niya dito.

"We will bring nanay in Manila with us"masayang sabi ng nito sa kanya.

"Ano! Hindi walang magbabantay kay nanay doon Zach"sermon niya dito.

"Then I'll be the one who will took good care of nanay for you. And I already talk to Malik to help us with the hospitalization of nanay. She needs a therapy Tanya"paliwanag nito.

"Pero kahit na, hindi mo dapat pinapakialaman ang bagay na ganito"inis siyang nagwalk-out.

Pakiramdam naman niya nawalan siya ng karapatan na magdesisyon sa sarili niyang ina sa ginawa ni Zach sa kanya. kaya naman naiinis siya ng todo ngayon. Iniwanan niya ang mga ito baka kasi kung ano pa ang masabi niya kay Zach mas magtalo lang silang dalawa. 

MY FORIEGNOY (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara