one

16.4K 492 13
                                    


Tanya...

Nasa bahay sila ngayon ng kaibigan niyang si Ana at ng asawa nitong si Benjamin. Birthday kasi ngayon ng asawa nito kaya naman nandoon sila, ngayon lang siya nakapunta sa bahay ng kaibigan niyang ito. hindi naman kasi ito nag-iinvite kaya ngayon lang sila nakarating sa bahay nito.

Nakakakita na siya ng mga ganitong klase ng bahay dati pa, pero ngayon lang siya nakapasok sa ganitong kagandang bahay. Hindi naman kasi siya mayaman na tao, simple lang naman kasi ang buhay nila.

Kung hindi pa nga niya nakilala si Ana hindi pa siya makakapasok sa ganitong kagandang bahay.

"Bakla ang bongga ng bahay niyo"masayang sita niya sa kaibigan.

"Hindi naman, si Benjamin lang kasi nasunod sa bahay na ito. kung ako ang papipiliin mas magandang maliit na bahay lang"sagot sa kanya ni Ana.

Inirapan niya naman ito, kahit kailan talaga ang humble ng kaibigan niyang ito.

Pero masaya naman siya para sa kaibigan niyang ito, lalo pa ngayon na magkakababy na ito. matagal na nitong gustong magkaanak kaya naman blessing ang baby sa kanila ng asawa nito.

Napatingin siya sa paligid niya, hindi pa din siya nakakamove on, ngayon lang din niya nakilala ang ibang kaibigan ni Ana.

Naikwento naman na ni Ana noon sa kanila ni Liza na may kapatid itong model pero hindi niya inaasahan na isang sikat na model ang kapatid nito. hindi lang naman isang sikat na model kundi international model ito na super sikat.

Nakakaintimidate pa nga ang dating, hindi siya makapaniwala na buntis ito at may tatlo ng anak. Kung titingnan kasi parang busog lang ito at hindi buntis. Super sexy pa din kasi, wala na siyang ma-say pa.

Habang busy silang nagku-kwentuhan bigla naman may isang nilalang ang bigla nalang pumasok sa garden ang umagaw ng kanyang atensyon.

Paano ba naman kasi bukod sa nag-gwa-gwapuhan ang mga kalalakihan doon, mas nangingibabaw ang kapogian ng bagong dating.

"Hey, I'm sorry"hingin paumanhin nito ng makalapit kay Ana.

Nakaramdam naman siya ng inggit, bakit lahat ng pogi kilala ni Ana. Pero bawi na din kasi kaibigan niya ito kaya makikilala niya ang mga ito.

"It's okay, they just started"sagot naman ni Ana dito.

"Okay, I'll just go there"nakangiting turan nito.

Shit, RIP panty... kung wala sigurong nakatingin sa kanya baka pinagdasal pa niya ang sarili niyang panty.

Pang-artista ang smile, super gwapo.

Lalong naloka ang katawang tao niya ng mabaling sa kanya ang mata nito. nagkatitigan pa silang dalawa ng ilang segundo bago nagsalita si Ana para ipakilala silang dalawa ni Liza.

"Zach, this is Tanya and Liza my friends. Tanya, Liza this is Zachary, my other brother."pakilala sa kanila ni Ana.

Ang gwapo din ng pangalan niya, bagay na bagay sa kanya.

Iniabot naman ni pogi ang kamay nito bilang pakikipagkamay sa kanila ni Liza. Hinuli siya nito, ramdam niyang pinisil nito ang kamay niya, pero bukod doon may parang kuryenteng dumaloy sa kamay niya, kaya naman bigla niyang binawi ang kamay niya dito.

Naramdaman din kaya niya iyon.

Doon lang din niya napansin na mukhang hindi ito Filipino kagaya niya, may kahawig din ito pero hindi niya alam kung sino ang kahawig ni Zach.

"Nice to meet you Tanya"sabi pa ni Zach na nakatitig pa din sa kanya.

Hindi pa sana aalis si Zach sa tabi nila ng tawagin na ito ni Malik para makipag-inuman sa mga boys.

MY FORIEGNOY (COMPLETED)Where stories live. Discover now