Two

14.1K 479 11
                                    

Two

Tanya...

Parang walang nangyari noong isang linggo, nagpatuloy na siya sa buhay niya.

Gaya pa din noon, sa umaga papasok siya sa trabaho niya sa boutique nila Ana. Nagta-trabaho siya doon bilang isang mananahi, samantalang sa gabi naman nagta-trabaho pa din siya sa club.

Kailangan niya ng malaking kita ngayon dahil sa nag-aaral ang dalawa niyang kapatid sa collage at isang junior high na sa kanya lahat nakaasa.

Kaya doble kayod siya para sa mga kapatid niya, ang nanay naman niya nagta-trabaho naman bilang katulong sa isang mayamang pamilya sa kanila kaso kulang pa din iyon.

"Tanya"tawag sa kanya ni Ana.

Nang lingunin niya ang kaibigan nakita niya itong kasama ang mga kaibigan din nito. ito ang unang beses na nagpunta ang mga ito sa patahian ng mga ito, palagi lang kasing nasa boutique lang ang mga ito at hindi nagpupunta sa mismong patahian ng mga ito.

"Oh, nandito naman kayo"masayang sita niya sa mga ito.

"Yeah, may pupuntahan lang naman kasi kami malapt dito pero dumaan na kami dito."sagot naman ni Ana sa kanya.

Nagsiupo naman ang mga kaibigan ni Ana sa tabi ng mga mananahi nila doon siya ang namamahala sa mga ito. Sa kanya kasi pinagkatiwala ni Ana ang mga ito dahil mas kilala nga naman daw siya nito kaysa sa mga tauhan nila doon. Isa pa may kalayuan naman ang shop nila.

"Hey, Ave I thought you will not take long"narinig niyang boses ng isang lalaki mula sa likuran niya.

Nakaupo na din kasi at nakikigulo si Issay sa mga mananahi doon. Sa isiping asawa lang nito ang nagsalita kaya naman hindi na niya ito nilingon pa at tinuloy na ang ginagawa niya.

"Tanya, ilang gown na ang natapos mo?"tanong sa kanya ni Ana na nasa tabi niya.

"Dalawa palang ngayong week na ito."sagot naman niya.

"Pwede bang ikaw na ang bahala na magtahi ng gown ng isa sa mga client medyo metikulosa ang client tatanggihan ko sana kaso lang baka masira lang ang pangalan ng boutique kung tatanggihan ko"paliwanag nito.

"Sure, asan ba ang sketch?"tanong niya dito.

Inilabas na nito ang sketch at iniabot sa kanya, tinanong niya ang iba pang info tungkol sa gown na gagawin. Nang makuha na niya ang mga kailangan niyang malaman, tumayo na siya. Ipapasa na niya sa isang mananahi nila doon ang ginagawa niya at sasama na siya sa kaibigan niya para sukatan ang gagawan ng gown.

Unknowingly na may nakatayo para sa likuran niya kaya naman sa pagtayo niya nabangga niya ito.

Isang matigas na braso ang nakasapo sa kanya. nang iangat niya ang paningin niya kung kaninong lalaking sumapo sa kanya, nanlaki ang mata niyang makita si Zach pala ang lalaking nabangga niya.

"Are you okay?"tanong nito sa kanya.

Para siyang nahihipnotismong napatango sa tanong nito.

Inalalayan siya nito na makatayo ng maayos, pero hindi na siya nito kinausap muli nito. Ni tingnan nga hindi nito ginawa nakatitig lang ito sa kapatid nito. kaya naman disappointed na inirapan niya ito.

Snob, bahala ka sa buhay mo. Busy ako...

Nilagpasan niya ito at tinuloy ang gagawin niya.

Hindi na niya ito pinansin hanggang sa makaalis sila sa shop.

"Anong eksena niyo ni Zach?"tanong sa kanya ni Ana.

Tiningnan lang niya ito at lumingon na naman sa labas ng sasakyan. Hindi niya gustong sagutin ang tanong nito, kasi wala naman iyon para sa kanya. naiinis lang siya sa binata ang snob nito kasing bigla, ngayon nalang sila nagkita ganoon pa ang inasta nito.

MY FORIEGNOY (COMPLETED)Where stories live. Discover now