Four

12K 443 14
                                    

Four

Tanya...

Ang buong akala niya siya talaga ang ipinunta ng binata, lahat ng expectation niya at kilig sa katawan ng bigla nalang siyang bigyan ni Zach ng ilang mga sketch at mga materyales para tahiin.

Nakasimangot siya ngayon na nakatitig sa binata habang magiliw itong ineentertain ng mga kapatid niya.

"Kuya Zach, marunog ka bang maggitara?"excited na tanong ni Lulu ang bunso nila.

Nakanunot ang noo na tumingin naman sa kanya si Zach na mistulang nagtatanong sa kanya kung ano ang sinasabi ng kapatid niya.

Inirapan naman nito, naiinis pa din kasi siya dito hanggang ngayon. Hirap kasi sa kanya umasa siya sa wala.

Bahala ka sa buhay mo dyan. Inis niyang iniwanan ang mga ito at nagtungo sa kwarto ng kanilang nanay.

Buti nalang talaga at may makina ang nanay niya dito kaso lang de padyak. Nagsisimula na niyang pag-aralan ang sketch na binigay sa kanya ni Zach mula kay Ana.

Pero wala pa yata siyang limang minutong nagkukulong sa loob ng kwarto nang may marinig siyang tunog ng gitara mula sa labas. Sinilip niya ang mga kapatid niya at si Zach sa may sala nila pero wala naman doon ang mga ito. tuloy lang ang pagtunog ng gitara hanggang sa may kumakanta na din siyang narining mula sa tumutugtog ng gitara.

Hinanap niya pinagmumulan ng tunog hanggang sa dalin siya ng kanyang mga paa sa harap ng bahay nila. Napataas naman ang kilay niya ng makita ang taong dahilan ng ingay sa lugar nila.

"Anong drama ito?"pagtataray niya sa mga kapatid niya.

"Ate maghaharana si Kuya Zach sayo"excited na sagot ni Lulu.

Agad naman napatingin siya kay Zach na patuloy lang sa paggi-gitara habang nakatingin sa kanya. Ngumiti pa nga ito ng sobrang tamis sa kanya.

Ei Panty are still there?

Feeling niya nawala na ang panty niya, pinagtaksilan na siya nito at ngayon nga ay nakay Zach na ito.

Talanding panty ka, taksil...

"Tanya, pwede ba akong maligaw sayo?"tanong pa ni Zach.

Ang cute ng accent niya talaga, kinikilig ang lahat ng buhok niya sa katawan, lalo na sa hindi nakikita.

Pero teka, tama ba ang narinig niya?

"Ano Zach? Maligaw? Bakit your lost?"takang tanong niya sa binata.

Maging ito napakunot ang noo sa tanong niya. eh sa iyon naman talaga ang narinig niyang tanong ni Zach sa kanya.

Anak ng pating na walang ngipin. Kinilig na siya, andun na eh pinag-iisipan na niyang sundan ang panty niya sa sobrang kilig kay Zach tapos nasira pa ng ang moment.

"I'm not lost, I asked you if I can court you?"tumigil na ito sa paggigitara.

"Hay!!"narinig niyang reaction ng mga kapitbahay niya.

Doon lang niya napansin na madami palang audience si Zach, para itong artistang nagconcert sa kanila sa sobrang dami ng nanunood. Puro naman babae, in all ages pa ang roll call. Mula bata, dalaginding, dalagita, dalaga, dalana, at matanda. Pati mga lola nandoon at mukhang kilig na kilig habang nakatunghay kay Zach.

Nagdilim ang paningin niya ng parang feeling niya natabunan ang panty niya ng mga panty ng mga babaitang nakapalibot kay Zach.

"No!, you can't ligaw me. Because I'm you wife na"mataray na sigaw niya.

MY FORIEGNOY (COMPLETED)Where stories live. Discover now