Prologue

17.4K 457 8
                                    


Mula yata ng magkaisip siya, siya na ang inaasahan ng pamilya niya para mabuhay sa mundong ibabaw. Kaya naman bata pa lang siya kung anu-anong raket na ang pinasok niya para lang kumita.

Hindi naman kasi kasalanan ng mga magulang nila kung ano ang kalagayan nila ngayon.

Maagang namatay ang tatay niya dahil sa isang mistaken identity na tinatawag.

Napagkamalan na magnanakaw ang tataw niya noon kaya ng mga kabarilan siya ang nabaril kaysa sa totoong magnanakaw samantalang naglalakad lang naman ang tatay niya noon pauwi sa kanila.

Kaya naman ang nanay lang niya ang nagtataguyod sa kanila.

Siya bilang panganay hindi niya pinabayaan ang mga kapatid niya at nanay niya.

Ang dami niyang raket, sa umaga promo girl siya sa isang mall, sa hapon naman papasok siya sa isang fast food chain bilang service crew at sa gabi naman waitress sa isang club.

Dinaya lang niya ang edad niya dahil kailangan niya ng malaking kita para narin masustentuhan ang pangangailangan ng mga kapatid niya at nanay.

Kaya naman isang araw inalok siya ng may-ari ng club kung saan siya nagtatrabaho bilang waitress na kung gusto niyang lumaki ang kita niya magsayaw siya sa stage.

Noong una ayaw niya kasi naman alam niya kung ano ang kalakalan ng mga nagsasayaw sa club nila.

Kaya lang sa hindi niya inaasahan na pangyayari napapayag din siya na magsayaw sa stage.

Pero sunumpa niyang hindi siya habang buhay na magsasayaw sa club na iyon bilang erotic dancer, mag-aaral siya at aalis din siya sa lugar na iyon.

Nag-aral nga siya ng TESDA doon niya nakilala ang teacher niyang si Ana na gaya niya may problema din pinansyal kaya naman tinulungan niya ito. Mula noon palagi na niyang kasama ito hanggang sa nakasama pa niya ito sa bahay, naging malapit niyang kaibigan ito.

Isa din ito sa mga taong tumutulong sa kanya.

Then one day ito din ang nagpakilala sa kanya ng wiwindang sa natutulog niyang puso.

MY FORIEGNOY (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin