Three

12K 461 20
                                    

Three

Tanya...

Simula ng gabing nagpunta sa club si Zach halos tuwing gabi na nandoon siya nandoon din ang lalaki at nire-request na sasayaw siya sa VIP room pero nandoon lang siya kundi matutulog nakikipagkwentuhan sa binata.

"You know..."aniya pero hindi niya maisip ang tamang word na sasabihin sa binata.

"What?"takang tanong ng binata sa kanya ng hindi na niya madugtungan ang sasabihin pa niya.

"Kainis naman ang daldal niya para sa isang lalaki"bulong niya.

"Hey, what did you say?"tanong nito sa kanya.

Inirapan naman niya ito bilang sagot. Kanina pa kasi siya salita ng salita. Lahat na yata ng alam niyang English nasabi na niya.

"You learn tagalog first before talking to me."aniya sa binata bahala na kung tama ang grammar niya.

"I'm trying"sagot nito sa kanya.

"Sleepy na, go home na"taboy niya sa binata.

Naiinip na din kasi siya, halos tatlong linggo na ganito ang drama nilang dalawa. simula din ng pagpunta punta nito sa club humina na din ang kita niya.

"Your tired, you want to go home?"tanong nito sa kanya.

"No, you go home. I stay"sagot niya.

Kaloka, dapat talaga noong nag-aaral siya nag-aral talaga siyang mabuti hindi puro barkada ang inatupag niya. nahihirapan tuloy siya ngayon na makipag-usap sa kano na ito.

"Why, you don't want me here anymore? I just want to be with you"may himig na pagtatampo ito sa kanya.

"Kainis naman matutuyuan na ako ng dugo sayong kano ka. Umuwi ka na please"pagmamakaawa niya dito.

Naguguluhan naman na tiningnan siya nito ngayon.

"I want you here but I need to work okay. When you are here I cant work anymore. I need cash."paliwanag niya dito.

"I can give you money just ask"

Kainis naman hindi naman kami magkaintindihan....

"Okay I get it, you want to work, like dancing infront of those bastard so that you can have a tip from them, extra income as I see it"seryosong turan nito.

Kung kanina kalma lang ito ngayon naman mukhang handang ng makipag-away ang loko.

"Yes"sagot nalang niya para matapos na ang usapan nila.

Nagulat pa siya ng walang Sali-salitang iniwanan na siya nito at nagtungo na sa labas ng VIP room. Napataas naman ang kilay niya na sinundan ito ng tingin, nang sa tingin niya hindi na babalik ang binata lumabas na din siya ng VIP room.

Hinanap niya ito sa labas pero hindi niya nakita ang binata.

"Napansin mob a si Kano?"tanong niya kay Liza ng masalubong niya ito.

"Umuwi na, himala nga at maagang umalis. Hindi na hinintay ang closing ngayon"sagot nito sa kanya.

Napabuntong hininga nalang siya bilang sagot, nawalan naman na din siya ng gana kaya naman nagpaalam na siya sa kaibigan niya na mauuna na siyang umuwi. Nasanay na yata ang katawan niya na walang ganap sa halos ilang linggo ba naman siyang binalik balikan ni Zach na kinukulong lang siya sa loob ng VIP room at hindi na pinagsasayaw. Pakiramdam niya kinakalawang na ang talent niya.

"Ate"tawag sa kanya ng kapatid niya.

Nagulat siyang makita ang kapatid niya ngayon sa tapat ng apartment nila. Madaling araw na at nandoon ang kapatid niya.

MY FORIEGNOY (COMPLETED)Where stories live. Discover now