SIX

33 2 0
                                        

Minsan, naiisip ko si Cherise. Kumusta kaya siya? Siguro kung hindi ko pinabayaan ang sarili ko, siguro kung hindi ako naging ganito, siguro kung pinahalagahan ko lang siya kagaya ng pagpapahalaga niya saakin, baka may pamilya na kami at malulusog na mga anak. Siguro masaya na kami.

Totoo nga ang sabi nila, nasa huli ang pagsisisi. Wala na akong trabaho, wala na si Cherise, wala na ang lahat saakin.

Isang araw, habang nakaupo ako sa kama ko sa ospital, binisita ako ni Cherise. Nakilala ko agad siya dahil sa anim na taon ang lumipas ay hindi parin nagbabago ang itsura niya. Maganda parin siya.

Samantalang ako, buto’t balat na. Sandali na lang at magiging kalansay na ako.

Tumayo siya sa harapan ko. Ni-hindi man lang ako makatingin sa kanya ng deretso. Sa halip ay yumuko na lang ako. Hindi ko mapigilang maluha. Hindi ako makapaniwala na sa lahat ng nagawa ko sa kanya ay nag-abala parin siyang bisitahin ako.

Tangled Strings of RedWhere stories live. Discover now