TWO

65 3 0
                                        

Pagkatapos ko ng High school ay naghanap agad ako ng trabaho. Hindi na ako nagtangka pang mag-aral ng kolehiyo dahil sa kakulangang pinansyal. May mga nahanap akong trabaho kaya lang masyadong maliit ang sweldo. Alam kong high school graduate lang ako kaya naman hindi na dapat ako maging mapili sa trabaho pero nangangailangan talaga ako ng malaking halaga para na rin makaipon para sa kinabukasan namin ni Cherise.

Walang kalaman-laman ang wallet ko pero hindi kumibo noon si Cherise. Sa halip na pagsalitaan niya ako ay pinapalakas pa niya ang loob at hindi niya ako iniwan.

Nang mga panahong iyon ay parami ng parami ang mga lalaking lumalapit at pumapalibot sa kanya, karamihan sa kanila ay mayayaman ngunit hindi sila binigyang pansin ni Cherise at nanatili siya sa tabi ko kasama ako.

Napaka saya ko dahil hindi niya ako iniiwan. Siya lang ang bagay na mayroon ako. 

Tangled Strings of RedWhere stories live. Discover now