FOUR

38 4 0
                                        

Ngunit lumilipas ang panahon, unti-unting nagbago ang takbo ng buhay ko.

Nagkaroon ako ng maraming pera, maraming kaibigan, at mga babae. Halos gabi-gabi ay lagi akong lasing. Dumating ang panahon na nag-iba na ang tingin ko para kay Cherise. Naiinis na ako tuwing lagi siyang nakabuntot saakin. Gusto kong mawala na siya sa buhay ko. Gabi-gabi ay may nakikilala akong ibat-ibang babae at doon ay naramdaman ko ang pagkasawa kay Cherise at dumating sa punto na ayaw ko na sa kanya.  Ngunit hindi parin siya tumigil at lagi parin siyang nasa tabi ko.

Isang gabi ay pumunta siya sa tinutuluyan kong apartment. May kasama akong babae nang mga oras na iyon ngunit hindi niya ako pinagsalitaan tungkol doon, sa halip ay tinanong niya ako.

“Anong nangyari sa’yo?”

Bumaon sa puso ko ang mga tanong niyang yon. Bigla akong nakaramdam ng pagka-guilty. Ano nga bang nangyari saakin? Sa halip na magalit ako sa sarili ko ay nagalit ako sa kanya at binato ko  siya ng mga masasakit na salita.

“Hindi mo ba nakikita? Hindi na kita kailangan sa buhay ko! Umalis ka na dahil hindi na kita mahal!”

Simula ng gabing iyon ay umalis na siya sa buhay ko. Hindi ko na ulit siya nakita. Nagkaroon ako ng panibagong  kinakasama ngunit ilang buwan lang ang lumipas at naghiwalay rin kami.

Pagkatapos noon ay balik binata ulit ako, Pera, alak, mga babae at naisipan ko ring gumamit ng pinagbabawal na gamot. Akala ko ng mga panahong iyon ay ganoon kasarap ang buhay.

Tangled Strings of RedWhere stories live. Discover now