Lumipas ang limang taon, nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. hindi ko matukoy kung ano yun kaya naman binaliwala ko nalang uminom ako ng iba’t-bang klase ng gamot at mga energy drinks sa pag-aakalang pagod lang ako at nanghihina.
Paglipas ng dalawang linggo at bigla akong nilagnat. Minsan ay nagpapawis din ang buong katawan ko tuwing gabi sa hindi ko malamang kadahilanan. Pakiramdam ko ay may kakaiba na sa katawan ko at doon ko naisipan na magpatingin sa doktor.
At doon, napag-alaman ko na mayroon akong sakit na HIV.
Napag-isip isip ko ang mga bagay na ginawa ko ngunit huli na ang lahat.
Habang tumatagal ay unti-unti kong nararamdaman na naagnas ang katawan at kaluluwa ko. Pinabayaan narin ako ng mga ka-banda ko at karamihan ng mga tao ay pinandidirihan na ako na para bang may sakit na ketong.
May natitira parin akong pera pampagamot ngunit alam ko rin na balang-araw ay mamatay ako dahil walang lunas sa sakit na ito. Habang lumilipas ang panahon ay palapit ako ng palapit sa kamatayan ko.
YOU ARE READING
Tangled Strings of Red
RomanceYou never know what you have until you lose it, and once you lost it, you can never get it back.
