Lumilipas ang panahon, alam ko na kapag nagpatuloy na wala akong trabaho, maaring mawala saakin si Cherise. Kaya pinilit kong maghanap ng trabaho at sa awa ng panginoon nakahanap din ako na kahit papaano ay maganda ang kita. Isang salesman sa isang sikat na mall.
May tatlo akong naging kaibigan na lalaki sa pinapasukan kong trabaho, napag-alaman kong dati silang may banda. Ako naman ay may talent sa pag gigitara at naisapan naming apat na magtayo ng isang banda.
Sumikat ang banda namin at madalas kaming mag preform sa mga party at ibat’-ibang mga okasyon. At hindi na tapos doon at sumikat pa kami ng sumikat hanggang sa iwanan na namin ang trabaho namin sa mall.
Sa pagsikat ko at ng banda namin, si Cherise namay ay laging nasa tabi ko at hindi ako iniiwanan na parang anino. Nagkaroon ako ng maraming pera at karamihan ng iyon ay ginastos ko para sa kanya, binilhan ko siya ng magagandang damit, mga alahas at lahat ng magustuhan niyang masasarap na pagkain.
YOU ARE READING
Tangled Strings of Red
RomanceYou never know what you have until you lose it, and once you lost it, you can never get it back.
