“No need. Hindi gamot ang kailangan nito.”

“Huh? Eh, ano?”

“Lambing.”

Sinarado na ni Ken ang pinto sa gilid ko at umikot. Pumasok na siya sa loob at walang anu-ano'y pinaandar na niya ang sasakyan.

“Ba't 'di mo pa sinabay?” kahit narinig ko ang sinabi niya kanina ay naiinis pa rin ako. “Nakakahiya ro'n! Doktora pa man din!”

“Nangako ako.” simple niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.

I raised my one eyebrow, “Parang kanina lang gusto mo siyang isabay, ah?”

“Hindi, ah. Galawan ko lang 'yon, 'yong pagpapaalam sa'yo. Kapag sinungitan ko agad, magtataka 'yon. Parang wala kaming pinagsamahan kahit papaano, nakakahiya nga 'yon sa kanya. Kaya gumawa ako ng alibi para 'di na makisabay pa.”

“Palusot mo!” pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Sinabi mo pang lambing ang kailangan ko kahit 'di naman!” sinabi pang masakit ang ulo kahit 'di rin!

Tumawa siya nang mahina. “Hindi nga ba, hmm?”

“Hindi!” at hindi talaga!

Nagkibit-balikat lamang siya habang ang mga mata'y nakatutok sa daan. Umayos na ako ng upo at tumingin na lamang sa labas.

“Gusto mo mag-Mall?” pagtatanong nito sa akin makalipas ang ilang minuto.

“Ikaw?”

“Gusto ko. Gusto mo ba?”

Napaisip ako saglit tapos um-oo na rin. Marami pa kaming dinaanan bago matanaw ang Uptown Mall. Malayo na 'to sa condominium ni Ken at medyo malapit sa bahay na tinitirhan ko noon.

“Ba't sa Uptown Mall?” pagtatanong ko rito ng ibaba na ang sasakyan sa parking lot.

“Gusto ko 'yong amoy do'n.”

Mabango nga sadya ro'n, amoy pang-mayaman ang Uptown Mall kaya 'di na ako nagtaka pa. Nang mapark na ang kotse ay bumaba na agad ako at gano'n din siya.

“Pinagbubuksanan pa sana kita ng pinto.”

“Kaya ko naman, eh. Sa susunod na lang.” sabay hawak sa kanyang braso. “Alalayan mo ako, ah? Mahirap kumilos na at lumalaki na lalo ang tiyan ko.”

“Ang sabihin mo, gusto mo lang humawak sa braso ko.”

Sumimangot ako't lalayo na sana nang hawakan niya ang aking kamay na nakakapit sa kanyang braso. “Lalayo ka na agad, eh.” anito. “Ba't ang moody mo ngayon, love?”

“Ask yourself.” masungit kong wika. “Tara na nga.” nasimulan kasi ni Doktora Mendoza kaya naging moody ako ngayon.

“Why would I ask myself?”

“Para makakuha ka ng sagot!” iniinis ba ako nito? “H'wag mo akong inisin, ah!”

“Hindi naman kita iniinis, nagtatanong lang ako.” sabay lapit sa akin at sa bilis niya, 'di namalayan na nahalikan niya agad ako. “Now, we're making a scene here.”

Hindi agad ako nakahuma, nakahalik agad ang magaling. Namula ako't ramdam ko 'yon, he knows my weakness!

He chuckled, nagpatiuna na sa paglalakad habang nakasunod na lamang ako. Hindi mabilis ang ginawa niyang paglakad kaya nakakasabay pa ako sa kanya kahit papaano. Pag pasok namin sa loob ng Mall ay sumalubong sa amin ang mabangong amoy nito.

Kakaunti ang tao rito ngayon pero mas maraming open na shop na kaysa noon.

“You want to buy something?”

“Yeah, let's go to Ilaui.”

Ang Ilaui ay isang shop kung saan may mga gamit ng mga koreano't koreana ang binebenta ro'n. May gamit din naman para sa bata, gusto kong bumili ng iilan muna bago magtungo sa ibang Mall sa makalawa.

“Alam mo kung nasa'n 'yon?”

“Yup! Sa second floor lang.”

Nagtungo na kami sa second floor at nadaanan pa namin ang Bench bago matanaw ang Ilaui. Binati kami ng Guard pagkarating do'n at pagpasok ay nagtungo na ako sa dulong bahagi ng shop kung saan may mga gamit para sa bata.

“Hala, ang cute!” nagtungo ako sa stufftoys section at kinuha ang Stitch na stufftoy na malaki. “Imagine natin na malaki na si Kalix, magugustuhan niya kaya 'to kung sakaling bibilhan natin siya?”

“Siguro.” dumampot ng stufftoy na aso si Ken. “Cute din ang isang 'to.”

“Lahat sila cute.” sabay ngisi ko. “Pati ikaw.”

“I'm not a stufftoy, love.” and he smirked. “Pero tatanggapin ko ang salitang ‘cute’ kasi galing sa'yo.” binalik na niya ang stufftoy na aso sa shelf.

“Ah, pag sa iba... 'di mo tatanggapin?”

“Hindi.”

“Bakit?”

“Kasi hindi sila ikaw.”

Pinamulahan na naman ako sa sagot niya at 'di mapigilan na napangiti nang malawak. Inikot namin ang shop na 'to at wala kaming nabili. Lahat ng dadamputin ko, ayaw ni Ken.

“Sa iba na tayo bumili.”

“Eh, saan?”

“France.”

My eyes narrowed. “France!?” sa ibang bansa pa?

“Yeah.”

“Nahihibang ka na ba? Ang layo ro'n! Sa SM Aura na lang!”

“Ayoko ro'n. Let's go to France next week. May family airplane naman kami so you don't have to worry about that.”

“Ba't kasi sa France pa?” ang layo-layo! Mapapagastos na naman siya, tamang dyan na lang sana kami bumili.

“To spoil my son.” tapos tumitig siya sa mga mata ko. “And to spoil you, too.”

“By buying some expensive things at kailangan sa France pa?”

“Plano ko rin kasi na mag-travel do'n kasama ka bago ka manganak.”

Hindi ako umimik at mahahalata sa aking mukha ang pagdadalawang isip. Wala lang sa kanya ang mapagastos na naman. Yes, I also want to travel the world with him and with Kalix, ofcourse. Pero kasi...

“Pera ko na naman ang pinoproblema mo.”

“I can't help it, okay?” mahalaga ang pera sa buhay ng tao. Kung hahayaan ko siyang gumastos na naman, mahihirapan na naman siyang kitain 'yon. Magpapagod na naman siya kahit 'di na kailangan.

“H'wag mo nang isipin ang pera ko, love. I want to spoil you, to make you happy. Madaling kitain ang magagastos ko para sa'yo. Ginagawa ko 'to para ma-enjoy mo ang 'yong buhay kasama ako. To make some good memories again with you, you know. Malay mo, bukas o makalawa... mawala na ako tapos kakaunti pa lang ang memories na mayroon ako sa'yo.”

“H'wag ka ngang magsalita ng ganyan.” kay Dave pa nga lang, todo iyak na ako. Pag siya ang namatay, 'di ko na kakayanin pa.

“Sorry.” umarko pataas ang gilid ng kanyang labi. “So, payag ka na? Let's go to France next week?”

“Pag tumanggi ako, wala rin naman akong magagawa.”

'Di niya ako titigilan hangga't hindi nasusunod ang kanyang gusto.

His eyes flickered in happiness. “Sabi ko nga.” panggagaya niya sa linya ko na minsan ko na lamang magamit. Napailing ako't nagpatiuna na sa paglalakad palabas sa shop na ito.

Pregnant by my BossDonde viven las historias. Descúbrelo ahora