Chapter 12: Young Witch

Start from the beginning
                                    

"E wala naman ako ginagawa tapos pinatid nila ako" sumbong ng batang lalake. "Ano ginawa mo?" tanong ni Althea. "Wala" sagot ng bata saka naupo sa swing. Naupo din si Althea, sabay nila nilabas wands nila taka tinaktak mga ito sa kadena ng swing.

Gumalaw yung mga swing, natuwa yung mga bata pagkat may pwersang nagtutulak sa kanila. "Pero ate minsan gusto ko na gumanti pero alam ko bad yon e" sabi ni Miggy. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong ni Althea. "Sinabi ko nga sa iyo" sagot ng batang lalake.

"Sa school! Dapat sinabi mo agad" sabi ni Althea. "E baka sabihin sumbungero ako e" sagot ni Miggy. "Sa susunod ha, sabihin mo agad sa akin" sabi ni Althea. "Wag nalang" bulong ng batang lalake. "Miggy ha" banta ni Althea.

Lunes ng recess may napansin si Miggy na malungkot na batang babae. Lumapit siya dito saka tinabihan. "Hello" sabi niya kaya tinignan siya ng babae. "Bakit ka sad?" tanong ni Miggy pero yung babae lumayo sa kanya. Sinundan siya ni Miggy, yung babae humarap saka nagsimangot.

Nakita ni Miggy yung putol na Hello Kitty pencil, "Ay putol" sabi niya. "Naupuan kasi ng mataba kong classmate" sabi ng babae. "Ano grade mo na?" tanong ni Miggy. "One" sagot ng batang babae. "Pareho tayo, patingin nga ng pencil mo" sabi ni Miggy saka inabot ng babae yung dalawang piraso. "E hindi pa nasharpen to" sabi ni Miggy. "Hindi ko ginagamit kasi favorite pencil ko siya" sagot ng batang babae.

"Favorite e bakit hindi mo ginagamit?" tanong ni Miggy. "Kasi ayaw ko siya maubos" sagot ng babae. "Funny ka, e di pabili ka ulit" sabi ni Miggy. "Patay na lola ko e" sabi ng batang babae kaya napatigil si Miggy. "Ay...bigay ng lola mo ito?" tanong ni Miggy.

"Oo, ngayon sira na siya" sagot ng batang babae na naluluha na. "Wag ka cry, uy wag ka cry" sabi ni Miggy saka hinigpitan kapit sa mga piraso ng lapis. "Uy tama na, uy lika lika bilis" sabi ng batang lalae saka hinila kamay ng batang babae. Sa isang gilid ng paaralan inabot ni Miggy yung lapis.

Nanlaki mga mata nung batang babae nang makita na buo na yung lapis. "Pano mo ginawa yon?" tanong ng batang babae. "Shhhh secret natin ha" sabi ni Miggy. "Oo pero pano mo ginawa yon?" tanong ng babae. "Ako si Miggy, ikaw ano name mo?" tanong ng batang lalake.

"Iah" sagot niya. "Iah lang? Ako Juan Miguel pero Miggy nickname ko" sabi ng batang lalake. "Maria Theresa" sagot ng batang babae. "Ahhh, pero wag mo sasabihin ha. Pero pag masira ulit yan sabihin mo sa akin ha" sabi ni Miggy. "Sige, thank you Miggy" lambing ng batang babae saka yumakap kaya si Miggy labis na napangiti.

Kinabukasan pagtunog ng bell nagulat si Miggy nang makita si Iah sa may pintuan ng classroom nila. Agad lumabas ang batang lalake, "Ano baon mo?" tanong ni Iah. "Sandwich, kunin ko pala" sabi ni Miggy saka bumalik sa loob.

Tumambay yung dalawa sa isang sulok ng corridor, "Dito tayo umupo" sabi ni Miggy saka hinaplos yung ledge. "Baka mahulog tayo" sabi ni Iah. "Hindi tayo mahuhulog" sabi ng batang lalake. Sabay sila umakyat saka naupo, "Gagamitin mo powers mo pag mahulog tayo?" bulong ni Iah. "Oo, kaya wag ka matakot" sabi ni Miggy.

"Ano pa kaya mo gawin?" tanong ni Iah. "Hmmm konti palang kasi nag aaral pa ako e" sagot ni Miggy. "Kaya mo lumipad?" tanong ni Iah. "Hindi, pero..." sabi ng batang lalake saka napalingon sa paligid. "Tignan mo yung mga kuya sa basketball court. Tignan yung ball" bulong ni Miggy saka hinarap kamay niya.

May tumira ng bola, biglang lumihis yung bola pagkat may malakas na hangin ang umihip. Napanganga si Iah saka tinignan si Miggy. "Di ko kasi dala wand ko e kaya di ko makontrol" sabi ng batang lalake. "Ang galing, sige pa nga" sabi ng batang babae kaya todo pasikat si Miggy.

Lunch break habang papunta si Miggy sa classroom ni Iah may isang grade five student na babae ang humarang sa kanya. "Excuse me ate" sabi ng bata. "Hoy, hindi mo ba alam bawal yung ginawa mo kanina? Sinabi na wag magpapasikat ng kapangyarihan e" sabi nung babae kaya nagulat si Miggy.

MASKARAWhere stories live. Discover now