Hinigpitan ko ang paghawak sa braso ni Trev nang makaramdam ako ng matinding takot. Takot ako para sa sarili ko.

"I know you can manipulate your own fears Cesia... your weakness and pain.." binigyan niya ako ng reassuring nod.

Weakness and pain... teka nga. Ba't nga ba napasok si Trev sa sinabi ni Aphrodite? Sa'n ba si Trev nakalagay sa usapang ya-

A thought popped up.

"And sometimes Cesia..." pinaglaruan ni Galatea ang ilang strands ng buhok ko.

"A person can be a weakness." nakayuko si Galatea pero alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

Dug dug

Dug dug

•••

She will be left with a weakness and terrible pain...

She will be left with a weakness and terrible pain...

"Cesia?"

"H-huh?" nagising ako sa boses ni Kara. Natagpuan ko ang sarili ko na nakatayo sa corridor kausap si Kara.

"Andito na pala kayo? Kailan kayo dumating?" tanong ko.

Tinitigan niya ako saglit bago sumagot. "Umm.. just now? I asked you where I can look for Ria... but.. are you sick?" nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako. "Masakit lang yung ulo ko..." mahina kong tugon.

Natatandaan ko na. Papunta nga pala ako sa clinic. Medyo off kasi yung katawan ko ngayon eh. Mabigat yung ulo ko.

"Sasamahan kita sa clinic.." suggest niya pero nag insist ako. After a few seconds, tumango lang siya saka nagpaalam para hanapin si Ria.

Paulit-ulit kong naririnig ang boses nila Aphrodite at Galatea sa utak ko.

"Ah-" napaluhod ako dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko. Nanginginig ang buong katawan ko at wala akong alam kung anong nangyayari sa'kin. Mas lumala ang pakiramdam ko nang pumunta ang dalawang estudyante sa kinaroroonan ko.

"Quick. Dalhin natin siya sa clinic." narinig kong sabi ng isa.

Inalalayan ako ng dalawa.

"No please... o-okay lang ako..." pinatigil ko sila.

"B-bitawan niyo'ko..." utos ko sa kanila na agad nilang sinunod. Humihingal ako. "iwan nyo na'ko d-dito..."

Nagtinginan muna sila bago mawala sa harap ko.

Para akong lasing papuntang clinic. Pero hindi ako umabot. Pangatlong tumba ko na sa tabi ng pinto.

Hindi gumagalaw ang mga paa ko.

"Cesia..." boses ni Doc Liv ang narinig ko.

"Cesia..." ibang boses na naman ng babae ang narinig ko.

Nawala na ang masamang pakiramdam ko kaya tumayo ako.... pero nasa ibang lugar na ako.

Narinig ko ang mahinang tawa ng bata kaya napasilip ako. May crib. Sa loob ng crib ay isang bata na nakangiti.

Kumunot ang noo ko.

Kakaiba ang kulay ng mga mata niya.

Purple.

Nilibot ko ang buong silid. Saka ko nakita si auntie na pumasok sa loob. Batang-bata pa ang hitsura niya.

"Abigail..." dahan-dahan niyang inangat yung bata.

Abigail...

Napagtanto kong ako nga yung batang bitbit niya.

"Jusko.. ang gandang bata naman 'to.. Paglaki mo.. sana di mo'ko papahabulin ng mga lalaki ano?" natatawa niyang sabi.

Nakaramdam ako ng lungkot nang marinig ulit ang boses niya.

"Oh siya.. ihahanda ko lang yung pagkain mo ah? Wag kang malikot!" kinurot ni auntie ang pisngi niya nang maibaba na niya si baby Abigail.

Ang cute ko pala.

Lumabas na si auntie kaya lumapit ako.

Tinignan ko ang sarili ko noon... ang ganda ng mga mata ko.

Hinawakan ko ang maliit niyang kamay. Narinig ko ang tawa niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

Wala akong narinig na utos pero kusang nagkaroon ako ng koneksyon sa kanya.

Ibig sabihin...

buhay na buhay yung abilities ko simula bata pa...

"Cesia..." narinig ko ulit ang boses ng babae.

Isang babae ang nakatayo sa tapat ng crib, nakatingin sa bata.

Ngayon ko lang siya nakita.

"You have to hide." nagulat na naman ako nang marinig ang boses ni Aphrodite na biglang lumutang sa likod niya at nakapameywang. "Tutulungan kita sa ngayon. But know that I will not help you anymore in the future."

"My oracles will look for me..." malungkot niyang tugon.

Lumapit si Aphrodite sa kinaroroonan ng bata. "I will take care of them."

"Take care of them? When you can't even protect my son!"

"It is because of you! You were easily deceived and look at what you have started!"

Ewan ko kung anong pinag-uusapan nila pero... ang alam ko'y may nagawang kasalanan yung sinisigawan ni Aphrodite. Ba't ko alam? Because I can see emotions. And I can see guilt.

"Will you kill me then?" I was stunned. Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng hangin sa kwarto.

She was radiating kaya alam kong isa rin siyang goddess.

"I will!" galit na itinaas ni Aphrodite ang kamay niya ready to summon something pero binaba niya ito at nanlambot ulit ang tinig niya. "but I can't..."

There was silence for a moment.

"I have started a war... I have sacrificed my own kin to end it." tinignan niya ang bata. "I am sorry..."

Nalilito na ako habang nakikinig sa dalawa.

"Hide before they can sense your power. Are there any last requests?" naiiritang tanong ni Aphrodite.

"Cesia. When she grows up, I want her to be called Cesia... it means heavenly." nakangiting sagot ng goddess.

Aphrodite sighed.

"so be it."

(A/N: Hey you guys! Merry Christmas! I was mentally debating kung itutuloy ko ba ang chapter na'to since it is too early to reveal a part of Cesia's past but anyways it won't hurt as long as I'm not being obvious about it. I'll just leave you hanging this time since it's Christmas Season. Happy Holidays everyone! xx.)

Alpha OmegaWhere stories live. Discover now