“Nasagasaan si Dave.” panimula ko. “Maraming dugo ang nawalan sa katawan dahil sa lakas ng impact na nangyari, 'yon ang sabi nila sa akin. He's dead before the arrival happened.”

“Sinong kasama mo pa?”

“His younger brother.” kinuwento ko pa ang ibang detalye sa kanya. Buti at wala akong nakitang galit sa mga mata niya, taimtin lang siyang nakikinig sa akin at nang matapos ay tinignan ang mga kamay ko.

“Maghugas ka ng kamay, love.”

“Maghuhugas sadya ako, hinihintay lang kita.” naglakad na ako papunta sa restroom. “I'm sorry... Kung nanatili siguro ako sa condo unit mo, baka iba ang nangyari.”

“Shh... H'wag mo nang isipin pa 'yan masyado. Ang bata...” sabay sulyap sa tiyan ko. “baka mapa'no.”

“Right.” tipid akong ngumiti. “Nasa morgue sila ngayon.” pagsasabi ko, tumango siya.

“Pupunta tayo ro'n pagkatapos mong maghugas ng kamay.”

“Sige.”

Pumasok na akong rest room at naghugas agad ng kamay. Tinignan pa ang sarili sa salamin, namumugto ang mga mata ko kakaiyak dahil sa nangyari at puno ng lungkot 'yon. Nalulungkot ako para sa pamilya ni Dave, he's too young to die. Kahit pa sabihin na ex ko lamang siya, marami pa rin kaming pinagsamahan.

Hindi man lang nakapagpaalam si Dave sa kanyang pamilya, iniwan niya agad ang mga 'to.

Lalo na si Callum.

Ang batang 'yon, kahit pasaway alam kong mahal na mahal niya ang kanyang Kuya.

I heaved a sigh at lumabas na ng rest room. Ken held my hand at sabay naming pinuntahan ang morgue.

Habang papalapit do'n, mas lalong lumalakas ang nadidinig kong pag-iyak nila. Humigpit ang hawak ni Ken sa kamay ko at ng tignan ko siya, I saw blues in his eyes. 'Di maitatanggi na malungkot din siya sa pagkawala ng kaibigan.

Tumingin sa amin sina Tita nang makalapit kami sa kanila. Their eyes looked at our hands ngunit walang tanong na lumabas sa kanilang bibig.

Nanatili lang kami ro'n ni Ken ng ilang oras bago umuwi, we're heading now to our way back home and both of us are embraced by silence.

Lumilipad ang isip ko dahil sa nangyari ngayong umaga. 'Di ko namalayan na naka-park na ang kotse sa parking lot ng condominium. Hindi pa lumalabas si Ken at diretso ang tingin.

“Ali..”

“Hmm?”

“Alam kong masakit na mawalan ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay mo pero nag-aalala ako sa bata. If you stress yourself thinking too much, baka malaglag ang anak natin.” may pag-alala sa tono ng boses niya.

Tumango ako't napalabi. “'Di lang ako makapaniwala. You know, parang kanina lang... we're buying an ice-cream because Callum wants that and boom, it happened. Ang sakit kasi wala akong nagawa. All I can do was crying and looked... dumb. Hoping for a miracle to happen. Hoping that this is a dream for us. Hoping that... he's alive.” naiiyak na naman ako. “Alam kong ex ko si Dave at 'di ko na siya mahal pero ang aga niyang nawala.”

Kinabig ako palapit ni Ken at niyakap. “Kahit ako rin, 'di makapaniwala sa nangyari. Stop crying now, love. If Dave was alive, for sure... he might worried because you're crying— you all crying. Don't cry, hush now.”

Pinilit kong h'wag nang umiyak at niyakap din siya pabalik. Ang comfort niya ang kailangan ko ngayon.

---

Nakaupo ako ngayon sa sala at walang ganang nanonood ng T.V. Mabilis naibalita ang nangyaring aksidente kaninang umaga. Nang matapos ipalabas iyon ay ibang aksidente pa ang pinakita sa T.V. 'Di ko lang akalain na maibabalita ang nangyari kay Dave.

I got a call earlier from Hailey but I'm not in the mood today so I can't answer properly all her questions. May pag-alala sa tono ng kanyang boses pero 'di ko 'yon gaanong binigyang pansin.

'Di na pumunta muli si Ken sa kumpanya niya, nanatili siya sa tabi ko ngayon.

Maya-maya, bigla siyang naglapag ng maraming chocolate bars sa glass table, nagtataka ko siyang tinignan.

Nginitian niya ako't nagsalita. “Sabi ni Mom sa akin noon, when I was young, eating chocolate makes us feel better when we feel sadness or pain. I tried that, ofcourse. Gumana naman so, I want you to eat all the chocolate bars I bought. I want you to feel better, love.”

“Pero...” hindi ko mauubos lahat ng 'to. Umupo siya sa tabi ko't dumampot ng isa.

“Don't worry, kakain din ako.”

Ngumiti ako ng tipid at dumampot ng isa, sabay kaming kumain ng chocolate habang nanonood ng T.V.

Kain lang kami nang kain at 'di namalayan ang oras.

“Pagabi na.”

“Yeah.” ang bilis ng oras. Humilig ako sa kanyang balikat at pumikit. “Inaantok na ako, Ken.”

“'Di ka kakain ng dinner?”

“Hindi na. Busog na ako sa chocolates na binili mo.” iilan na lamang ang natira namin.

“Magluluto pa rin ako mamaya pag gising mo. Baka bigla kang gutomin, eh.”

“Ikaw bahala.”

Nanatili pa rin akong nakapikit at unti-unti nang nilalamon ng dilim, I felt his lips kissing my forehead.

“Do you feel better, love?” he asked, almost whispering.

Tumango ako habang inaantok na talaga. “Yeah, thanks to you and to your chocolates.”

He left a small laughed. “I'm glad that you feel better now. Kung 'di pa rin, kukunin ko na ang katawan ni Dave sa morgue at bubuhayin.”

“Kaya mo?” natatawa ako ngayon habang inaantok na.

“Hindi,” mabilis niyang wika. “pero gagawin ko ang lahat para maging masaya ka ulit.”

Kaya mahal ko ang lalaking 'to, eh. Grabe ang kasweetan sa katawan. Kahit walang kakayahang buhayin ang patay, nagagawang magsabi pa rin ng gano'n.

“Nagawa mo na.” nagmulat ako ng mga mata. “Nagawa mo na ngayon, napasaya mo ako, Ken.” sa simpleng pagpapakain lang ng chocolates sa akin ay kuntento na ako.

Sa pag-stay niya sa tabi ko ay masaya na ako. Wala na akong maiihiling pa na iba.

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon