TCB --1: Unbreakable Oath

5.2K 69 17
                                    

~TCB --1: Unbreakable Oath

[ Xylon Sephiroth Dera Verde's POV ]

Ikaw kaya gawing butler ng isang Zyla Aerith Fair -Campus Princess? Anong gagawin mo? 

 A.) Gugulong sa sahig dahil sa sobrang tuwa

 B.) Iiyak parang baliw habang tumatawa

 C.) Magpapakamatay dahil hindi mapigilan ang tuwa

 D.) Ngingiti parang aso dahil sa pagiging personal butler n’ya.

Pero, kung itatanong n’yo kung ikinakatuwa ko maging bodyguard n’ya? Isang malaking, NO! Mago-overlap ang schedules ko sa banda kapag nagging butler pa ako kaya ayokong pagsilbihan ang isang Campus Princess. Ano ako, isang alalay? Fat chance! Kaso, no choice nga ee dahil nag-promise ako sa hinayupak na si Zylene –Campus Queen. 

At alam mo kung ano ang ginawa ng kanyang boypren? Binantaan ako with matching suicide petition –ransom style. Grabe, ang saya ko! Take note of the sarcasm. Ba’t pa kase kailangan ko maging Campus Butler? Nakakainis ka talaga, Zaiden –Campus King!

Ang malas-malas ko naman dahil dito pa sa Zyx Academy ako nag-enroll. Kung hindi lang talaga ako nag-pangako kay Zylene, edi hindi na ako naging Campus Butler. Nag-sign kase ako ng isang contract tungkol sa pagsisilbi ko bilang butler ni Zyla at hindi ko pedeng balewalain yung contract dahil nagbitaw na ako ng oath.

Nagtataka ba kayo kung ano ang ibigsabihin ng Campus Butler? Hindi ako kagaya ng Campus Maid na pedeng utusan ng mga tao, nagsisilbi ako sa isang tao pero mag-iiba ang master ko every start of the school year. Speaking of Campus Royalties, nasaan na yung pesteng alaga ko? Tss. Bahala na siya sa buhay siya since malaki na siya at pede n'ya na ipagtanggol ang kalansay n'yang katawan pati na rin ang mukha. 

Yes, you heard right. Kalansay ang tawag ko, bakit? Dahil masyado siyang payat at 'pag may dumating na buhawi baka higupin siya 'nun. =_________=

Pupuntahan ko na lang si Yella -lider ng bandang sinalihan ko. Habang naglalakad ako, nakita ko si Zyla at kasama n'ya yata si Xerox. (?) Nagtataka ako kung pangalan ba talaga nung lalaki ay Xerox at natatawa rin ako dahil ang pangit naman ng pangalan na binigay sa kanya. Xerox? Pinaglahi yata ng nanay sa isang Xerox Machine kaya ganun ang pangalan. 

Binilisan ko na lang ang paglalakad, kaso nakita ako ni Zyla 'tas hinawakan n'ya yung pulso ng kamay ko. Tss. Lintek na babae! Keep calm. Keep calm, Xylon. Bawal bigwasin ang mukha ng isang Zyla Aerith Fair dahil baka sumugod ang feeling-parents na sina Zenaida at Yuri kaya chillax muna. Napabuntong-hininga ako na lang ako at sinuot muli ang isang maskara na ginagamit ko 'pag lagi akong nilalapitan ng mga Campus Royalties. Poker-face Mode: On.

The Campus Butler -- [2]Where stories live. Discover now