CHAPTER 49

2.5K 69 0
                                    

ASH POV

NASA bar ako ngayon at wala akong kasama. 

3 weeks...

3weeks na akong ganito at sa loob ng 3 weeks na yun ay wala na akong nakitang emosyon sa mukha ni rochelle. Sa mukha ng babaeng mahal ko.

Pinanindigan niya yung sinabi niya saking hahanapin niya si Mr. N at sa pagiging bodyguard niya sakin. Sinubukan ko na lahat pero ni minsan ay hindi niya ako pinakinggan at tinignan.

Kahit na magsama pa ako ng babae sa loob ng sasakyan, makipaghalikan kahit kanino sa bar o sa school ay wala pa rin siyang pakialam. Siguro hindi na niya ako mahal.

Shit!  Ang tanga ko kasi eh. Nadala ako sa pagiging playboy ko.

"Tol tama na yan, nakakadami ka na. "

Narinig kong saad ni louie. Pero binalewala ko lang iyon. Mas gusto kong nalalasing ako para mawala ng panandalian yung sakit na nararamdaman ko.

Nakita ko namang umalis sa gilid ko si Louie kaya ako na lang ang naiwan sa bar counter.

"Hi... Can I join you here? "

May narinig akong babae na nagsalita sa right side ko kaya hinarap ko siya at mukha ni rochelle ang nakita ko. Hinapit ko siya sa bewang at hinalikan.
Nagrespond naman siya sa halik ko.

"Hmm... Your.. Hot.. "

Bulong ni rochelle hahalikan ko sana siya sa leeg pero may dumapong kamao sa mukha ko kaya napatumba ako sa sahig.

"Pucha ka pare!  Girlfriend ko yung hinahalikan moGago ka! "

Mura nung lalaking sumuntok sakin kaya napatingin ako sa babaeng kahalikan ko kanina. Napatawa na lang ako ng mahina.

"Aba'tGago ka ah!  Tumatawa ka pa! "

Sigaw niya ulit at sinuntok na naman ako.  Nanlalabo na yung mata ko pero may nakita pa akong sumuntok doon sa lalaki kanina kaya nawala siya ng malay.

"Putang ina mong gago kaWala kang karapatan para suntukin tong lalaking to!"

Rinig kong sigaw nung sumuntok sa lalaki bago ako mawalan ng malay.

Nagising na lang ako ng nasa bahay na ako at may bandaid na yung mukha ko. Kaya bumaba ako at kumain na sa kusina.

*ring.. Ring.. Ring.. *

Sinagot ko naman yung tawag ni Louie.

"Hello? Bakit? "

"Ayos ka na ba tolPasensya na at hindi kita natulungan kagabi nasa cr kasi ako nung may sumuntok sayo at pagbalik ko wala ka ng malay sa sahig. "

Kung ganon hindi siya yung sumuntok don sa lalaki kagabi?

"Hindi ikaw yung sumuntok sa lalaki kagabi bago ako mawalan ng malay? "

Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hindi ako yun tol. Actually nagulat nga ako dahil paglabas ko sa cr nakita ko si rochelle na binubugbog yung lalaking sumuntok sayo kaya ayon balita ko naospital daw dahil grabe yung tama niya. Grabe talaga si rochelle pag nagagalit pre. Kung nakita mo lang siguro yung mga mata niya kagabi I'm sure manginginig ka talaga sa takot. Galit na galit eh. "

Paliwanag ni Louie sa kabilang Linya. Pinatay ko na yung tawag nung makita kong dumating na si rochelle kaya umalis na din kami at pumuntang school.
So she still care for me.

Mahal kita at hindi ako mawawalan ng pag asang magiging tayo ulit...

__________________________________

Edited

My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon