CHAPTER 32

3.5K 100 1
                                    

ASH POV

Nasa classroom na ako ngayon at hinihintay si rochelle. I plan this surprise for her.

Actually tinulungan ako nina Louie, mark at Keith sa pagplano nito.

They even tease me but what can I do? I love her that much.

"Psst!  Nandyan na siya. Mukhang badtrip ata. "

bulong ni mark sa tabi ko. Patay kasi ang ilaw at kaming apat pa lng ang nandito.

Pinalabas kasi namin yung mga classmates namin.

"On position na kayo, bubuksan na niya yung pinto. "

bulong naman ni Keith kaya pumunta ako sa pinakalikod ng room nagtago naman sila sa pinakasulok ng room.

"SURPRISE!! "

sabay sabay na sigaw namin nung pumasok siya at binuksan ang ilaw.

Binunot naman niya yung parang maliit na palamuti sa buhok niya at pumosisyon naman siya na parang may kalaban habang seryoso ang mukha.

  "Woah woah,  easy lang rochelle, kami lang to..."

Sabi ni mark habang Nakataas ang mga kamay nilang tatlo at nanlalaki yung mata.

Kumalma naman siya at nilagay ulit sa buhok niya yung parang dagger.

Nag clear throat muna ako at lumapit sa kanya tsaka binigay yung bouquet of flowers.

Nakita ko namang kumunot yung noo niya pero kahit ganon ay alam kong namumula siya.

"For you rochelle. "

bigay ko sa kanya habang nakangiti. Napalunok naman siya at tinanggap ito.

"Brad."

binigay sakin ni Louie yung gitara kaya nagstrum na ako.

*Perfect by ed sheeran *

Pagkatapos kong kumanta ay lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Rochelle,  at first aaminin kong naiirita ako sayo dahil sa dinami dami ng pwede kong maging bodyguard ay ikaw pa,  ikaw pa na isang babae, kaya ang dating tuloy sakin wala akong kwentang lalaki dahil ni sarili ko ay hindi ko magawang ipagtanggol. Pero ngayon alam ko na kung bakit ikaw yung naging bodyguard ko,  it's because your the one for me ."

lumuhod ako sa harap niya at tinitigan siya sa mata.

"Rochelle Mcweltz, can I officially court you? I mean I will court you starting now?"

________________________________

Edited

My Bodyguard (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon