CHAPTER 22

4.1K 126 1
                                    

LANCE POV

Tinaas ko yung sleeve ng shirt ni hurt (rochelle) at bumungad sakin ang balikat niyang nababalot ng bandage at dumudugo.

Nanlaki naman yung mata ko dahil sa nakita ko tsaka tumingin sa mata niya habang nakakunot ang noo ko...

"The heck?  Anong nangyari dito hurt? "

sigaw ko tsaka tinuro yung balikat niya na dumudugo pa din. Pinunit ko yung sleeve niya at kinuha muna yung bandage na nakalagay sa balikat niya...

"Ah... Ano kasi... *sign* fine... May hinabol ako kanina sa school.  Nagmamasid siya samin ni ash kanina sa lockers kaya ayun... Hinabol ko siya hanggang sa likod ng school then it happened. Nasaksak niya ako sa balikat. "

paliwanag niya sakin tsaka nag iwas ng tingin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag ngiwi niya dahil sa sakit...

  "Aishh ang tigas talaga ng ulo mo. Umupo ka nga muna dito. Gagamutin ko yan. "

sabi ko at kinuha yung first aid kit. At ginamot yung sugat niya. Ang tigas talaga ng ulo nitong babaeng to. Ngayon na nga lang ulit siya umuwi tapos ganito pa ang lagay niya...

Malalim yung sugat niya at mabuti na lang napigilan niya ang pagdudugo kanina dahil kung hindi baka naospital na siya. Namumutla na din kasi ang labi niya at ngayon ko lang yun nakita...

"Aray.. "

daing niya nung napahigpit ang pagkakatali ko sa balikat niya ng bandage  kaya napatingin ako sa mukha niya. Nakakunot ang noo nito at bakas sa mata niya ang sakit tsaka hapdi...

"May sugat ka din sa mukha."

Sabi ko at tinapos ko nang lagyan ng bandage yung balikat niya. Huminga ako ng malalim at kumuha ng bulak na may alcohol bago lumapit sa mukha niya upang magamot ang sugat nito...

"Aray!... Masakit yun ah! "

sigaw niya nung napadiin ang pagkakalapat ko ng bulak sa gilid ng labi niya medyo malaki kasi yung cut niya hindi lang siguro halata kanina dahil nilagyan niya ng concealer kaya napatitig ako sa mata niya.

*dug.. Dug... Dug...dug *

Walang halong biro... Ang ganda talaga niya... isa siya sa dahilan kung bakit mas pinili kong dito mag trabaho bilang personal chef dahil gusto kong lagi ko siyang nakikita...

pero nung magtrabaho naman ako dito ay siya namang pagkuha niya ng vacation slip sa trabaho niya kaya ngayon lang siya nakauwi sa pinas...Nag clear throat ako nung mapagtanto kong matagal na pala akong nakatitig sa mukha niya at umiwas ng tingin ganon din naman ang ginawa niya....

"A-ayan tapos na. Ah... Ano... Sige liligpitin ko muna yung pinagkainan natin. Nga pala... Wag kang magpupuyat. "

Mabilis na saad ko tsaka lumabas ng office niya.  Pagdating ko sa kusina napahawak naman ako sa dibdib ko.

Ang bilis pa din ng tibok nito. Napangiti na lang ako dahil sa nangyari kanina...

I knew it... 

I'm falling for her.

_________________________________

Edited

My Bodyguard (Completed)Where stories live. Discover now