CHAPTER 13

4.7K 135 1
                                    

ASH POV

Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nanonood ng tv.  Kanina pa nag riring yung phone ko at si rochelle yung tumatawag pero hindi ko sinagot.

Tsk manigas siya dyan.  Hindi siya kanina nagpaalam sakin kaya harapin niya dapat ang parusa niya! Naiinis pa din ako sa kanya dahil sa ginawa niya!

Pinatay ko na lang yung phone ko at nagpatugtug ng rock music pero maya maya ay halos mapatalon ako sa gulat dahil may nariring akong mabibilis na yabag pa akyat sa kwarto ko...

*bogshh*

Natumba yung pinto ko at niluwa nun si rochelle? Teka bat naman ang pula pula ng mukha nito?

"Anong... "

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil akmang susuntukin niya ako kaya napapikit ako. Pero ilang minuto na ang nakalipas at wala akong naramdamang sakit. Kaya unti unti kong minulat ang mga mata ko...

"A-alam mo bang.. Grabe yung k-kaba ko dahil h-hindi ka sumasagot s-sa mga t-tawag ko..."

Napatitig ako sa kanya. Kahit nakayuko siya ay kitang kita ko ang mga luhang tumutulo sa carpet ng kwarto ko... aaminin kong gustong gusto ko ng alisin ang mga luhang lumalandas sa kanyang mukha pero natatakot ako...

Ngayon ko lang naramdaman yung emosyon niya.

"A-akala ko na-nakuha ka na niyaa-kala ko papalpak nanaman ako"

sabi niya. Hindi ko Alam ang gagawin ko kaya nakatayo lang ako ngayon sa harap niya. Hindi ako sanay na makita siyang nagkakaganyan... lalong lalo na kapag ako ang dahilan... bakit ko to nararamdaman?

Sino ka ba Rochelle?

"I-im sorry... Kung hindi ko n-nasagot yung tawag mo..."

Aishh bakit ba ako nauutal! Hindi dapat ako nagkakaganito sa harap niya! Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito!

"Mag ingat ka."

Sabi niya tsaka umalis. Napatulala na lang ako sa pwesto niya kanina. What did just happened?

Napaupo ako sa kama ko at napahilamos sa mukha ko. Bakit ba ako nagkakaganito?

Ano na naman ba ang nagawa ko? 

Binuksan ko yung phone ko at tinignan yung mga messages niya. 

"Nasaan ka na ash? "

"Ayos ka lang ba? "

"Sagutin mo yung tawag ko! "

At madami pang iba.  Kailangan ko na bang mag sorry?

Hindi eh.  Kasalanan niya yun.  Hindi siya nagpaalam sakin kanina.

Pero baka naman importante lang talaga yun.?

  Aishhh humiga ako sa kama ko at tumingin sa ceiling... 

Hindi ko Alam kung gaano katagal ako sa ganong posisyon basta ang Alam ko nakatulog na ako. 

__________________________________

Votes and comments are highly appreciated.

Edited.

My Bodyguard (Completed)Where stories live. Discover now