Chapter 6: City Of Pines

Start from the beginning
                                    

After lunch nakatambay yung dalawang bata sa second floor terrace. "Its like heaven" sabi ni Miggy. "Hindi ko na nakikita yung mountain, kanina nakikita pa" sabi ni Althea. "Are you two okay?" tanong ni Lawrence. "Yes papa, but papa look its all white now" sabi ni Miggy.

"Walang fog kasi sa Manila e" sabi ni Lawrence. "Fog, its nice. You can hide" sabi ni Miggy. "If you shout your name you will hear the echo" sabi ni Lawrence. Tumayo yung mga bata, sumigaw si Lawrence kaya naaliw yung mga bata nung nag echo boses niya.

"Papa who is shouting also?" tanong ni Miggy. "It is called echo anak, diba you already read about it. The sound bounces back" sabi ng matanda. Sumigaw si Althea, lalong naaliw yung mga bata kaya si Miggy naman ang sumubok.

Sa loob ng kweba sa may bundok agad napatayo ang isang sobrang tandang babae. Lumabas siyang kweba, ilang saglit may mga kasama na siya. "Narinig niyo yon?" tanong ng matandang babae. "Opo" sagot ng iba. "Nandito siya...nandito siya" bulong ng matandang babae.

"Sino po siya?" tanong ng isa. "Si Agamathea, nandito siya" sabi ng matanda. "Pero patay na siya. Matagal na siyang patay" sabi ng isang babae. "Hindi ako nagkakamali, hindi man niya boses yon ngunit naramdaman niyo naman lahat diba?" sabi ng matanda.

"Baka nagkakamali lang ho kayo" sabi ng isang babae. "Hindi ako pwede magkamali! Alam ko ang boses ng kaaway ko" sigaw ng matanda saka hinaplos mukha niyang durog. "Lumabas kayo at hanapin niyo siya! Hanapin niyo saan galing yung boses na yon" sigaw ng matanda.

Samantala sa top floor ng isang office building, "Gumalaw yung mga bruha sa bundok ng Baguio" sabi ng isang babae. "Anong ibig mo sabihin gumalaw?" tanong ng isang matandang babae. "Boss, gumalaw yung mga alagad ni Lorna" sabi ng dalaga.

"Ano nga ibig mo sabihin?" diin ng matanda. "Ngayon lang ho sila kumilos ng sabay sabay at gumagamit sila ng kapangyarihan at tila may hinahanap sila" sabi ng dalaga. "Ganon ba? Ipatawag mo nga yung mga alagad natin sa Baguio, tapos sabihan mo narin yung Institute at main branch" sabi ng matanda.

"Opo boss" sabi ng dalaga. "Sandali lang, Lorna hindi ba siya yung kalaban na mortal ni Agamatea dati?" tanong ng matanda. "Opo boss, yung nadurog yung mukha" sabi ng dalaga. "Hmmm...matagal nang hindi sila kumilos, huling pagkilos nila mga panahon na buhay pa si Agamatea" sabi ng matanda.

"Maghanda ka, pupunta tayo sa Baguio. Kung ano mang ginagawa nila ayaw ko mabulaga. Inform the main branch we are heading to Baguio. Inform the branch in Baguio too" sabi ng matanda. "Okay boss, how about the Institute?" tanong ng dalaga. "Hmmm...kahit wag muna, we can inform them later when things happen. Tutal wala naman sila primary jurisdiction sa mga bruha" sagot ng matanda.

Sa cabin house sa Baguio tinuturuan ni Elberto yung dalawang bata mag ayos ng kahoy sa fireplace. Pagsindi ng apoy napangiti si Miggy. "Hindi ilalagay lahat ng wood lolo?" tanong ni Althea. "Oh no, dapat yung tama lang, tapos pag naaubos na kahoy dagdagan nalang" sabi ni Elberto.

"Lumayo na kayo, hindi niyo kailangan lapitan ang fireplace" sabi ni Marifel. "Iinit na whole house lola?" tanong ni Miggy. "Not the whole house but here only in the living room apo" sabi ng matanda. "Fire is nice" bulong ni Miggy saka pinagmasdan yung apoy.

Nilapit ni Miggy kamay niya habang nakatingin, biglang namatay yung apoy kaya napalingon si Elberto. "O bakit namatay?" tanong ng matanda kaya ang batang lalake umatras. Kinuha ni Elberto yung lighter, si Miggy nilapit kamay niya sa fireplace at biglang sumindi yung apoy.

"Lolo meron na" sabi niya. "Anong meron na?" tanong ng matanda kaya lumingon siya at nagulat. "Huh, bakit.." bigkas niya saka tinignan apo niya. "Kanina namatay, what did you do?" tanong niya. "Baka humangin lang tapos sumindi ulit" sabi ni Marifel.

MASKARAWhere stories live. Discover now