“Boy or Girl po?”

“It's a boy.”

“Sino pong ama niyan?” sabay turo sa tiyan ko. “Si Kuya?”

Nakangiti akong umiling, “Hindi si Kuya mo, Callum. Iba.”

“Ang dati mo pong Boss?”

“Yup.”

“Sino pong Boss mo po?”

“Si Ken.”

“Ken?”

“Del Valle.”

“Hiwalay na po ba kayo ni Kuya?”

Tumango ako. “Oo, bakit?”

“Bakit po kayo naghiwalay?”

Nakangiti ko pa rin sinagot ang kanyang tanong. “It's a secret.”

Sa ngayon kasi, 'di pa niya maiintindihan ang mga sasabihin ko sa kanya at walang patutunguhan ang magiging usapan namin kaya mabuting i-sikreto ko na lamang.

Sumimangot siya kaya napatawa ako nang mahina. “Si Kuya na lamang po ang tatanungin ko.”

Imbis na magsalita ako'y ginulo ko ang kanyang buhok.

“Baka hinahanap ka na ng Kuya mo.” pag-iiba ko sa usapan. Matigas 'tong umiling at mas lalong ngumuso.

“Di po ata ako hinahanap ni Kuya. Kanina pa ako rito, wala pa siya hanggang ngayon po. Ang dali-dali ko lang po kayang mahanap.”

Ang batang 'to talaga, pasaway.

Inilahad ko ang aking kamay sa harap niya't ngumiti muli. “Halika, ihahatid kita sa Kuya mo.” alam naman siguro ng bata kung nasa'ng floor ang condo unit ni Dave.

“Ayoko po. H'wag mo po muna akong ihatid sa kanya.”

“Eh, baka 'di ka talaga mahanap niyon. Magtawag pa 'yon ng pulis para ipahanap ka, sige ka.”

“Kumain po muna tayong ice-cream.” sabay hawak sa kamay ko na kanina pang nakalahad sa kanyang harap. “Please po.” at nagpacute na nga ang bata. “I want an ice-cream po. Sige na po, Ate Ali.”

Napabuntong-hininga ako't walang magagawa ngayon kung 'di ang pagbigyan ang batang 'to kaya lang...

“Callum!”

Sabay kaming napatingin sa taong tumawag sa bata. Sumiksik si Callum sa gilid ko, yumakap.

Galit na galit ang mukha ni Dave na papalapit sa amin.

“Ikaw na bata ka!”

Nang makalapit 'to ay hinigit nito sa braso ang bata. Umiyak si Callum at nagpupumiglas. “Kung saan-saan kita hinanap, nandito ka lang pala! Mom will probably kill me if I told her already that you're missing! Buti at nakatiis pa akong 'di tawagan si Mom at hanapin ka pa dahil kung 'di, pati kay Dad ay malalagot ako!”

“Let me go! Kaya ayaw ko sa'yo ngayon kasi ang sungit-sungit mo po! Eh, panget ka naman po!”

“Ikaw talaga, iuuwi na kita sa'tin!”

“Gusto ko po munang magice-cream!”

Tumingin sa akin si Dave, he ignored Callum's remarks. “Dito mo ba nakita ang batang 'to?”

“Oo.” I simply answered.

“Kinukulit ka ba nito?”

“Hindi naman.”

“I''m nice po, ah! I behave!” ani Callum. “Kuya, gusto kong ice-cream. Magice-cream po tayo.”

Bumitaw na si Dave sa pagkakahawak sa braso ng kapatid at sa kamay na 'to humawak. “Sige. After that, magbebehave ka na sa condo ko.”

“Opo! Yay!” tuwang-tuwa si Callum ngayon at hinawakan ako sa aking kamay. “Sama ka po sa'min, Ate Ali!”

“Ah..”

“Busy ata siya, Callum.” mahinang wika ni Dave sa kapatid. Lumungkot ang mukha ng bata.

“'Di ka po sasama sa amin?”

Kahit ayaw kong sumama, naging close ko na rin ang batang 'to kaya pagbibigyan ko ngayon since wala rin namang ginagawa pa sa condo ni Ken.

“Sasama na.” sa sinabi kong 'yon ay ngumiti muli si Callum.

Ang pagsama ko sa magkapatid ay walang intention na iba. I just want Callum to be happy and smile again like that, 'yon lang.

Nagtungo kami sa Mini Stop na malapit sa condominium at do'n na lang bumili ng ice-cream, puro chocolate ice-cream ang pinagkukuha ni Dave at iyon ang hawak-hawak namin ngayon.

“Happy family po, ah.” wika no'ng cashier na babae. Nagkatinginan kami ni Dave. Ngumiti 'to na parang nahihiya sa'kin habang ang mga mata'y may lungko, wala akong naramdaman na iba na ngayon.

“We're not.” Dave said to the cashier woman. “She's into someone else already.”

“Ow, sorry po.”

“Don't be. And this boy is my younger brother.”

Tumango ang babae at tipid na ngumiti, tila napahiya sa kanyang sinabi. Tumalikod na kami sa kanya pagkabayad at lumabas na ng Mini Stop.

“A dog!” Callum shouted at mabilis na bumitaw kay Dave. Nagulat kami sa pagtakbo nito palapit sa asong nasa kalsada.

“Callum!” we shouted his name. Nanlaki ang aking mga mata when I saw a car na palapit sa kanya at mabilis ang patakbo.

“Shit!”

Tumakbo si Dave palapit sa kapatid at sa bilis ng pangyayari, 'di ako makagalaw sa kinatatayuan ko, nabitawan ko pa ang ice-cream.

Huminto ang kotse at bumaba ang Driver. Nakita ko si Dave na nakahiga na sa kalsada habang duguan at si Callum naman ay gulat na gulat na hawak ang aso't nakaupo sa kalsada, malapit kay Dave. Callum's alive but...

Nanginginig akong naglakad palapit kay Dave pero ng makita sa malapitan ang duguan na katawan niya ay mas lalo akong nanginig, napahawak ako sa'king bibig at umiyak.

“Kuya!”

Mabilis na lumapit si Callum kay Dave at umiyak.

“I already called the ambulance, kid. Don't cry.” ani ng Driver.

“No...” patuloy pa rin sa pag-iyak ang bata. “Kuya...”

Lumapit ako kay Callum at hinila siya palayo ro'n. “Parating na ang ambulance. Tahan na.”

“Baka mamatay na si Kuya!”

“Hindi mangyayari 'yon. Hindi mangyayari iyon.” nagpatuloy ako sa pagtahan ng bata habang 'yong Driver ay tinignan ang pulsuhan ni Dave.

Namutla 'yon at may takot ng tumingin sa amin. Do'n pa lang, kinutuban na ako. Umiling ako, 'di makapaniwala.

“He's dead.” mahinang wika nito.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. 

Lumapit ako ro'n at sinuri ang pulsuhan ni Dave, malamig na ang kamay nito at wala ng tibok ang pulsuhan.

Ang kaninang masaya naming pagsasama, nauwi sa gan'to. I looked at Dave's body, hindi akalain na ito na ang huli naming pagsasama't pag-uusap.

“Dave...” nanginginig ang aking kamay na hinawakan ang duguan niyang mukha.  “Dave, no, you can't die... You can't die..” kahit alam kong malabo na 'yon ay umaasa ako sa kababalaghan.

Dumating ang ambulance matapos ang ilang minuto. Bumaba ang mga nurse ro'n at may dala silang hospital bed. Hiniga ro'n si Dave at pinasok sa loob ng ambulance, natulala lamang ako sa nangyayari.

“Ma'am, sumakay din po kayo sa loob.”

Hindi ako umimik, umiyak muli ako. Kung kanina, wala akong maramdaman na sa kanya pero bakit ngayon, labis akong nasasaktan? I looked at Callum, nakatulala na 'to habang nasa tabi niya ang aso.

“Kuya...”

Tumigil ako sa pag-iyak at niyakap ang bata. Paano na 'to? Paano na sina Tita? Bakit kailangan pang mangyari 'to? Dave...

Pregnant by my BossWhere stories live. Discover now