Hindi ko alam kung paaano ako nakarating sa tapat ng kotse ko dahil sa totoo lang wala talaga ako sa sarili ko. Pumasok na ako sa kotse bago pa man ako maabutan ni Enrique sa ganitong estado.

"My god! What's happening to you, Lara?" kausap ko sa sarili ko. Feeling ko kasi nahihirapan akong pakiharapan siya hindi dahil sa galit ako, but because of what I am feeling right now, it was same as the feeling I have way back then. Nung mga panahong magkasama pa kami, nung mga panahong natutunan ko na siyang mahalin.

Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Alam ko nakapagmove-on na ako, pero bakit ang lakas pa rin ng epekto niya sa akin? Para akong tinutunaw kanina ng mga titig niya kanina. Kaya nga bago pa ako tuluyang mawalan ng ulirat ay nag-drive na ako at dumiretso na ng uwi. Wala naman kasi akong pasok ngayong araw.

-----

Kinuha ko sa taguan ko ang isang maliit na kahon na itinago ko sa ibabaw ng cabinet ko ditto sa kwarto four years ago, bago ako umalis ng bansa.

I opened it and saw a ring, yes the same ring as what Enrique wore. Sa totoo lang ay nagulat ako at parang may humawak sa puso ko nung makita kong suot niya pa rin iyon hanggang ngayon.  Para namang hindi niya sinadya lang kasi naalala kong suot niya rin ang singsing na iyon nung nakipagkamay siya sa akin sa opisina. Hindi ko lang napagtuunan ng pansin dahil masyado akong gulat sa pangyayari sa loob ng conference room nung mga oras na yon.

Then I saw a necklace with a heart shape pendant. Ito yong binigay niya sa akin sa ospital nung humingi siya ng tawad at nung nagtapat siya sa akin. Eto yata yong ireregalo niya sa akin para sa diner namin, but something came na nagpasira ng gabing iyon at ng relasyon naming mag-asawa.

"Mooooommy!" natigil ako sa pagmumuni-muni ko nung biglang pumasok si Ethan sa kwarto ko. "Hi, sweetie." Salubong ko sa kanya na mabilis na hinalikan sa noo.

"Mom, I want to swim. Can I?" Nagpa-cute na naman ang batang ito. Nag-pout pa siya, sino kayang hindi tatanggi kung ganyan siya.

"Sure, go ahead." Pagkasabi ko n'un ay mabilis siyan tumakbo palabras habang tinatawag si Manang Lilia. Naiiling na lang na hinabol ko siya ng tingin.

Binalikan ko ang mga gamit ko at iniligpit ang kwintas at singsing sa pinagkunan ko tapos sumunod na lang sa pool para panoorin ang makulit na si Ethan.

Naabutan ko siyang lumalangoy sa kiddie pool, he was wearing a goggles and a pair of floaters.

"Mommy, are you gonna join me?" excited na tanong niya pagkakita niya nung makita niya akong nakaupo sa pool lounge.

I smiled at him and said. "No sweetie, I'll just sit here and watch you." Kaya nagpatuloy na siya sa pagsu-swimming.

Pinanood kong naglalaro sa pool ang anak ko, everything about him reminds me of Enrique. He was at total carbon copy of his Dad, na yong tipong kahit sino ay hindi maitatatwang mag-ama sila.

Matagal kong tinitigan ang anak ko habang iniisip kung paano ko masasabi at maipapaliwanag sa kanya ang tungkol sa ama niya. Napagtanto ko rin naman na mas maigi nang malaman niya ng mas maaga para hindi na kami dumating sa punto na susumbatan niya ako dahil sa paglayo ko sa kanya sa ama niya.

Ayoko rin naman kasing mangyari yong pag nagkaisip na siya ay tatanungin niya ako kung bakit iba ang apelyido naming sa birth certificate. Oo he was carrying his father's name. Kasi kahit saang anggulo pa natin tingnan, Enrique and I were still married.

Kaya malamang sa malamang, ang apelyido ko pa rin sa mga legal forms ay Buenavista.

-----

Lumipas ang maghapon at napagdesisyunan ko nang kausapin ang anak ko. It's now or never.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Where stories live. Discover now