"Ayan! Ang ganda mo baby! ",sabi niya at iniharap ako sa salamin.

Gosh. Ako to? Weh? Seryoso?

Agad kong niyakap si Mommy dahil sa ginawa niyang milagro. Hahaha! Seriously,I look better.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. Nagtext na si Andrew. Nasa labas na daw siya ng bahay namin.

"Mom. Nasa labas na raw si Andrew. Aalis na ko. Salamat talaga Mommy. ",sabi ko at niyakap siya.

"Walang anuman baby. Enjoy your day.",sabi niya at ngumiti.

---

Paglabas ko nang Mansion,agad kong nakita si Andrew na nakasandal sa sports car niya habang nasa bulsa niya ang mga kamay niya. Looking so cool.

Napatingin siya sakin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago siya magsalita.

"A-alexa? I-is that you? ",tanong niya.

Napatawa lang ako sa reaksyon niya.

"Ah. Oo. Okay lang ba? ",tanong ko at umikot.

"You look beautiful. ",sabi niya at ngumiti.

Agad namang nagharumentado ang sistema ko. Nararamdaman ko rin ang pag-init ng pisngi ko. Gosh,am I blushing? Sana hindi yun nahalata ni Andrew kundi nakuuu,nakakahiya.

"T-thank you.",sabi ko habang nakayuko.

Makikita pa rin sa mga mata niya ang paghanga. Tumikhim ako. Nakuha ko naman ang atensyon niya.

" Tutunganga na lang ba tayo dito? ",natatawang tanong ko.

Napakamot naman siya sa kanyang batok. At binuksan ang pinto ng kanyang kotse.

" Sabi ko nga tara na.",natatawang sabi niya at inalalayan ako sa loob ng kanyang kotse.

Sumakay rin naman siya kalaunan.

"Ang laki pala ng bahay- I mean hindi yun bahay eh. Mansion yun.", sabi niya habang nakatingin sa daan. Nagmamaneho siya ngayon.

" Ahm. Yeah. ",sagot ko.

Hindi niya dapat malaman na anak ako ng may-ari ng school. Shems.

" Asan ba yung mga magulang mo? ",tanong niya sakin. Nilingon niya ko kaya nginitian ko siya. Ngumiti rin naman siya.

" Si Mommy nasa bahay habang si Daddy ay nasa ibang bansa.",sagot ko habang nakatingin sa daan.

"Ano bang trabaho ng Daddy mo sa ibang bansa at nagkamansyon kayo? ", tanong niya.

Nako! May lahing chismoso rin pala itong si Andrew.

"Actually,nandoon lang si Daddy para tingnan ang new built mall namin. Babalik rin naman yun dito sa Pilipinas.", sagot ko.

" Ah. Businessman pala tatay mo. No wonder nakapasok ka sa school na yun. By the way,saan mo ba gustong pumunta?",tanong niya.

Seriously kanina pa siya nagdadrive tas di niya pala alam pupuntahan namin. Hahaha. Napakamot siya sa batok niya.

"Nakalimutan kong tanungin kanina. Hehe.", sabi niya.

Hala ang cute! Hahaha.

" Sa Park na lang. Yung may street foods.",sagot ko.

Sumimangot naman siya.

"Kumakain ka nun? ", tanong niya na hindi maipinta ang mukha.

" Oo naman! Masarap kaya yun. Kung makareact ka naman,natikman mo na ba? ",tanong ko habang nakataas ang isang kilay.

Sweet Revenge (EDITING)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu