"Hindi 'yan totoo!" Sigaw nong babae. "Alex naman!"

"Stop it, Kayla." Anang lalake. "Mahiya ka naman sa girlfriend ko."

Napaubo naman ako sa sinabi niya. Luh, si koya ni hindi ko nga siya kilala, e.

"G-girlfriend?" Naguguluhang tanong ng babae. "Y-you don't do girlfriend! How come?"

"Oo." Aniya. "Tantanan mo na ako. Masaya na ako sa girlfriend ko."

Nakita ko nalang na tumulo yung luha nung babae kasabay ng pagtalikod niya sa amin. Anong problema nila? Bakit sila nandadamay?

"Hoy." Anang lalake sakin dabay sundot sa pisngi ko.

"Hoy ka rin." Balik ko sabay tampal sa kamay niya.

"Pasensya ka na ah?" Aniya. "Nadamay ka tuloy."

Napasimangot naman ako. "Whatever."

"Anong pangalan mo?"

"Bakit?"

"Tinanong ko pangalan mo isasagot mo sakin bakit?"

Napasimangot ako lalo. "Camila. Camila Delavin."

"Hm. Alex, Alex Pangilinan." Aniya. "Sabay tayong maglunch mamaya."

Aba, bastos na 'yon. Ni hindi pa nga ako nakakasagot ay tumakbo na siya paalis. Napailing nalang ako.

Saktong dumating na yung prof namin sa PE. Etong prof ko na 'to laging beastmode eh. Beastmode don't care lagi ang drama niya. Di ko naman alam kung pinaglihi ba siya sa stress o sama ng loob o both.

"Delavin!" Sigaw niya.

"Present!"

Ganyan siya magcheck ng attendance. Napabuntong hininga nalang ako. Last subject ko na 'to bago maglunch. Pero sana di nalang matapos. Ayokong makita yong Alex na 'yon.

Mabilis lumipas yung oras, lutang na lutang ako hanggang pagdating ko sa cafeteria. Wala akong kasabay na kakain ngayon dahil hindi parehas ang vacant period namin ng bestfriend ko.

"Sabi ko sabay tayong maglunch diba?"

Halos bumaliktad na ako sa kinauupuan ko nang biglang may magsalita sa harapan ko.

"Kailangan talaga may panggugulat na kasama?!" Inis kong baling sa kanya.

Natawa naman siya sakin. "Ang lalim kasi ng iniisip mo."

"Hoy ah. Di tayo close kaya tigilan mo ako."

Mas lalo naman siyang natawa sa sinabi ko. "I just announced a while ago na girlfriend kita."

Sumimangot naman ako sa kanya. "Gosh, speaking off, bawiin mo 'yon!"

"Nah." Pacool niyang sabi sabay abot ng apple ko. "Been said and done."

"Apple ko 'yan hoy!" Bulyaw ko sa kanya. "'Tsaka sabi nung babae kanina you don't do girlfriend kaya walang maniniwala."

"Boyfriend mo ako, so, okay lang na kumuha ako ng pagkain sa'yo." Aniya at sabay kagat ulit doon sa apple ko. "Wala naman akong pakialam sa kanila, bakit ko naman sila iisipin?"

"No, not!" Inis kong sabi. "Unang una, walang tayo. Pangalawa, my food, my food. Okay? Di ka pwedeng kumuha." Napapailing nalang ako sa kanya. "Umalis ka nga sa harap ko."

Us, Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon