Part 17

21K 366 2
                                    


Kung saan-saan na napunta ang usapan nila ng dalaga. At napansin ni Vicente na matalino si Marissa. Kayang dalhin ang ano mang usapan mula sa maliliit na bagay hanggang sa national issues. Deep inside him ay nakuha nito ang paghanga niya. Dahil malapit lang naman ang studio sa kanilang hotel ay isinuhestiyon niya na maglakad na lamang sila nang sa ganoon ay ma-enjoy nila ang mga tanawin. Pumayag naman ang dalaga.

Hindi naman naging kainip-inip ang paglalakad nila dahil patuloy ang kanilang pagkukuwentuhan. Dumaan pa sila sa isang tindahan ng pagkain at bumili ng mga finger food. Lihim siyang nangingiti. Napakagaang kasama ng dalaga.

"Bakit?" tanong ni Vicente nang mapansin ang pagkakangiti ni Marissa. Tulad niya, tila naglalakbay rin ang isip nito. Hindi lamang niya alam kung patungkol sa kanya ang iniisip nito. But there was fondness in her eyes.

"Anong bakit?" baling nito sa kanya.

"Bakit ka ngumingiti?"

Natigilan si Marissa, kapagkuwan ay bahagyang nanlaki ang mga mata. Marahil ay napagtanto na nakangiti nga ito. Lihim siyang napangiti. So, hindi aware ang dalaga na nakangiti ito?

"As far as I'm concerned, wala namang nakakatawa sa topic natin about engineering and architecture. So, ano ang inginingiti-ngiti mo riyan?" may bahid ng panunudyo na tanong niya. But his heart was suddenly doing cartwheels. Gandang-ganda siya sa dalaga sa oras na iyon. Tila makagagawa siya ng isang awit sa nakangiting mukha nito.

"A-ah... Hindi lamang ako makapaniwala na nag-uusap na talaga tayo nang ganito," mailap ang mga matang sagot nito.

Nagtaas si Vicente ng isang kilay. Alam niyang nanunudyo ang kanyang mga mata. "I thought you were daydreaming of me," patuloy niyang panunukso. He was so lighthearted.

"Ha? Hindi, ah!" pagtanggi ni Marissa ngunit mailap naman ang mga mata.

Ang panunukso niya ay nawala nang makita niya ang pamumula ng pisngi ng dalaga. It was not his first time to see a woman blush. But for the first time, he was mesmerized. Pakiramdam ni Vicente ay nahipnotismo siya sa pagkakatingin sa dalaga. Ang mga mata nito na bagaman hindi mapalagay ay may kakaibang kislap. Ang mga pisngi ng dalaga ay tila nang-aakit sa patuloy na pamumula niyon. At ang mga labi nito, naroon na naman sa kanyang dibdib ang kagustuhang matikman ang mga iyon.

Sinaway ni Vicente ang sarili. Bakit ba ganoon ang itinatakbo ng kanyang isip? Laking pasasalamat tuloy niya nang sa wakas ay makarating na sila sa hotel.

Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora