Part 7

22.5K 436 19
                                    


Naiwan sina Vicente at Marissa. 

Tiningnan siya ng binata, mali, mas angkop na sabihin na tila pinag-aralan nito ang anyo niya. Maganda siya at sanay na rin siyang pinaguukulan ng ikalawang sulyap nino man pero tila hindi siya mapalagay sa mga mata ni Vicente.

"Anong ayaw mo sa mga babae Mister Valencia?" panimula niya. "I mean, bakit ayaw mo ng assistant na babae?" pagtatama niya sa tanong ng mapansin niya ang pagtaas ng kilay ng binata.

"Because they end up loving me," agad nitong sagot na tumingin pa sa kanya ng deretso. May kung ano sa paraan nito ng pagtingin na nagpapakaba sa kanya. Tila kasi tagus tagusan iyon at kayang basahin ang nilalaman ng kanyang isipan.

"Anong masama roon?" wala sa sariling tanong niya.

Pinagsalikop nito ang mga braso sa tapat ng dibdib nito. "Okay lang naman sana kung hanggang doon lamang iyon kaya lang hindi nila maihiwalay ang nararamdaman nila sa trabaho. Sa huli, sila pa itong gumagawa ng paraan para mapansin ko sila, doing some provocative things para humantong kami sa kama. I don't like that because I don't mix business with pleasure. Oh, sure I'm a certified man, pero hindi ako nakikipagrelasyon sa employee ko."

Hindi malaman ni Marissa kung papaano sasagot. Maaaring hindi ito aware pero dahil sa sinabi nito, malaking bahagi ng pagkatao nito ang tumatak sa isipan niya.

Kinalma niya ang sarili. "Naiintindihan kita. Pero kung iyon lang naman pala ang dahilan mo, then, ipanatag mo ang kalooban mo sa akin. Hindi ako matutulad sa mga naging assistant mo dahil hindi ako maiinlove sa 'yo." Matatag niyang wika. Pero bakit may munting tinig na pilit humihiyaw ng pagtutol sa naging deklarasyon niya?

"Ganyan din ang sinabi nila sa akin." Balik naman ng binata.

"Eh di, sisantihin mo ako sa unang beses na gumawa ako ng advancement sa 'yo. Come on, Mister Valencia, hindi lahat ng babae magkakagusto sa 'yo." Binigyan niya ito ng naghahamong tingin. "Magkakaiba kami ng mga mata, magkakaiba sa pamantayan ng kaguwapuhan, at magkakaiba ng hinahanap na katangian ng lalaking mamahalin namin. Hire me and rest assured I won't fall in love with you."


Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Where stories live. Discover now