Part 9

23.2K 414 0
                                    


PAGKATAPOS ng tatlong araw ay sakay na sila ng eroplano papunta sa Europe. Si Cedrick na ang umasikaso sa ticket niya. Ang manager naman ni Vicente na si Dylan ay susunod doon. Hindi ito nakasabay sa biyahe nila dahil sa conflict sa schedule nito. Pupunta lang sa Europe si Dylan para makipag-usap sa mga producer ni Vicente pagkatapos ay muli na itong babalik sa Pilipinas. Ang alam ni Marissa ay nagawan na rin ng paraan ni Dylan ang hotel accommodation niya. Dahil dalawang linggo lang sila roon, nagkasundo sila nina Cedrick na hindi na siya magdadala ng baril. Bukod sa mahirap magpasok ng baril sa ibang bansa ay iginarantiya naman ni Vladimir sa mga Valencia ang kakayahan niya. She was armed and she could turn simple things into a weapon.

Tulog si Vicente. In all fairness, nagpaalam naman ang binata sa kanya na tutulugan daw siya dahil wala itong tulog nang nakaraang gabi. Bahagya siyang tumagilid at palihim na pinagmasdan ang binata. Guwapo ito sa salitang guwapo. Matangos ang ilong at prominente ang pangahang mukha na tinubuan na ng mga stubble. Ang buhok nito ay may-kahabaan na lalo pa yatang nagpalakas sa personalidad nito. Kapag ganoong nakapikit ang binata ay aakalaing nagtataglay ito ng maamong mga mata na siyang kabaligtaran dahil may karakter ang tingin nito, tila iyon nang-aakit na hindi mawari. Napansin lang niya na ang pagkakaroon ng expressive eyes ang isa sa mga taglay na katangian ng mga Valencia. Napatingin siya sa mga labi ng binata. They were full and sensuous. And she wondered how it would feel to have him kiss her.

Ipinilig-pilig ni Marissa ang kanyang ulo. Bakit naman doon humantong ang pag-aanalisa niya sa mga physical attributes ng binata? Mula pa nang una niyang marinig na umawit si Vicente ay tila naging instant fan na rin siya ng binata. He had a rich, soulful voice. Hindi niya malimutan kung paano ito nag-perform. Ang bawat letra at nota ng mga kanta ay tila nagmumula sa kaibuturan ng puso nito kaya naman walang-kaduda-duda na tumatagos din iyon sa mga manonood. Pinatunayan ni Vicente na marami itong tagahanga hindi dahil guwapo ito kundi dahil may talento talaga sa pagkanta.

Umayos siya ng upo at pilit kinalma ang sarili. Dapat niyang tandaan na naroon siya para bantayan ang binata at siguruhin ang kaligtasan nito sa lahat ng oras.

"Can I get you something to drink, Ma'am?" anang stewardess na lumapit kay Marissa. Ang aral na ngiti na nakapaskil sa mga labi nito ay biglang naging totoo nang dumako ang paningin nito kay Vicente. Baka nga sinadya pa nito ang paglapit dahil sa binata.

"No. Thank you," aniya. Bigla ay parang gusto niyang sumimangot.

"What about you, Sir?" baling nito kay Vicente. Napatingin tuloy si Marissa sa binata at nakumpirmang gising na ito. Natilihan siya. Kagigising lang ba ni Vicente o kanina pa ito gising at pinili lamang na huwag imulat ang mga mata?

Umiling ang binata pero nakaguhit sa mga labi nito ang isang ngiti. "I'm fine, Claire. Thank you." Lihim na tumaas ang isang kilay niya. Magkakilala ang dalawa? An old friend or past girlfriend?

Umalis na ang stewardess. Nagsalubong ang mga mata nila ng binata. Namayani ang katahimikan. Hindi rin naman niya alam kung paano magbubukas ng paksa na maaari nilang pag-usapan. Mayamaya pa ay tumayo ito. Palihim niyang sinundan ng tingin ang binata. Nakita niyang nagtungo ito sa lavatory. Agad din naman itong nakabalik. Naglabas ito ng headphone at isinuot iyon bago muling pumikit. Nakagat ni Marissa ang ibabang labi. Bakit ba siya naiilang sa presensiya nito?


Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Where stories live. Discover now