Part 16

21.8K 403 1
                                    


WHAT was that, Vicente? nagtatakang tanong ni Vicente sa sarili. He was inspired. Mula pa kagabi nang makausap niya si Marissa ay tila ang gaan-gaan na ng kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya ay may isang mahalagang bagay siyang nakamtan, kahit hindi naman niya alam kung ano iyon. Bago ang pakiramdam na iyon pero nagugustuhan niya. Sa sobrang gaan ng kanyang pakiramdam ay naging maayos ang trabaho niya.

Nag-pack-up na ang lahat at oras na ng pag-uwi. Nilapitan niya si Marissa na naghihintay na sa kanya. "Ako na ang magbibitbit niyan," aniya patungkol sa dala nitong bag na ang laman ay mga gamit niya.

"Ako na. Kayang-kaya ko 'to," pagtanggi nito.

He grimaced. "Don't treat me like I'm a king. Kung kaya ko rin lang ang isang bagay, ako na ang gumagawa niyon," aniya bago kinuha sa dalaga ang bag. Lahat sila ay lumaki na independent at batak sa trabaho.

"Kung ganoon, bakit kailangan mo pa ng personal assistant, ng alalay?" ingos ni Marissa. Natilihan si Vicente. Bigla ang pagtambol ng kanyang dibdib nang matuon ang paningin niya sa mga labi ng dalaga na bahagyang naka-pout dahil sa pag-ingos nito. She looks so sensual. Bumabangon sa dibdib niya ang kagustuhang kabigin ito at angkinin ang mga labi at hagkan nang mariin. Her lips looked so soft and sweet.

He swallowed hard bago disimuladong binawi ang paningin. Hindi pa niya nalilimutan ang nangyari kahapon sa party kung saan ay ipinulupot niya ang kanyang braso sa baywang ni Marissa. Funny, pero may kakaiba siyang naramdaman. Possessiveness. Tila ayaw na niyang pakawalan ang dalaga sa mga bisig niya. And when he kissed her temple, he felt something warm. Sa pagkakatanda niya ay wala namang kulang sa buhay niya, walang kahungkagan. Pero bakit tila nakaramdam siya ng kakontentuhan nang mahawakan ang dalaga? Isang palabas lamang ang affection na ipinakita niya sa dalaga kahapon, pero bakit tila natural na ginawa niya ang mga bagay na iyon?

"Vicente?"

Shit! He cursed himself. Naglalakbay ang isip niya at si Marissa ang laman niyon! Ano nga ba ang huling sinabi ng dalaga? Ah, yes, kung bakit kailangan ko ng PA... "I need company. Iyong puwede kong kausapin. Hindi naman puwedeng lagi na lang akong magpapasama sa mga pinsan ko. May mga sariling buhay rin naman ang mga iyon. Well, yeah, may-pagkatamad din nga ako minsan at makalat din ako sa mga gamit ko. I need someone to keep my things in order."

"Close kayong mga Valencia, ano?" komento ni Marissa. Naglalakad na sila sa hallway, patungo sa elevator.

Tumango si Vicente. "Yeah. We have each other for a best friend. Of course, malawak din naman ang mundo namin. Marami rin kaming kaibigan. Pero pinaka-close kami kina Vladimir at Alexander. Kilala mo ba sila? The Mondragon brothers?"

"Siyempre. Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Vladimir na sundalo at kay Alexander na pamosong modelo hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa."

Ngumiti si Vicente. He felt so proud of them.

Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon