Part 2

31.6K 510 19
                                    


MARISSA HAS BEEN warned about the visit of Charlie Valencia. Pero hindi niya inakala na noon din mismong araw na iyon ay darating ito sa opisina niya at may kasama pang isang lalaki na hindi pahuhuli ang kaguwapuhan sa binatang chef. Hindi niya ito kilala pero tila may dugong Valencia ito dahil may hawig ito kay Charlie.

"Itinawag na sa akin ni Vladimir ang tungkol sa pagdating mo—ninyo," aniya sa mga ito ng makapasok ng opisina niya. Iniumang niya ang palad niya para makipagkamay. "Marissa Oliveros at your service." Hindi nakaligtas sa kanya ng rumihistro ang pagtataka sa mukha ng dalawang lalaki.

"I didn't expect I'd be dealing  with—"

"With a lady?" putol niya sa sinasabi ni Charlie. Binigyan niya ito ng isang pormal na tingin.

Gumuhit ang manipis na ngiti sa labi nito. "With a very young and gorgeous lady," anito bago tinanggap ang palad niya. "Ako si Charlie at ito naman ang pinsan ko si Cedrick."

"It's my pleasure to have you here. Please have a seat." Iminuwestra niya sa dalawa ang receiving area kung saan nila idi-discuss ang sadya ng mga ito.

Naupo naman ang mga ito roon. Nang maidulot ang kape tsaka nila binuksan ang paksa.

"Kuya Vladimir refered this agency. Ibig sabihin kilala ka niya at alam niya na makakatulong ka sa amin. Hindi na kami magpapaligoy ligoy pa Miss Oliveros. Kailangan namin ng bodyguard para kay Vicente." Wika ni Cedrick na mukhang mas pormal kesa kay Charlie.

So that's it. Si Vicente—ang singer—ang nangangailangan ng bodyguard.

"Vicente is a singer, a public figure. Wala kaming ideya kung sino ang pupuwedeng magtangka sa buhay ni Vicente dahil wala naman itong nakakaaway. Last month, may sumabotahe ng chartered plane ni Vicente pero si Kuya Brandon ang naging biktima. Naaresto na ang salarin pero ayaw niyang ituro ang master mind. We are all worried about it. Hindi imposible na muling maulit ang mga ganoong pangyayari hangga't hindi nahuhuli ang master mind kaya napagdesisyunan ng pamilya na ikuha ng bodyguard si Vicente." Patuloy ni Cedrick.

Mataman siyang nag-isip. "Desisyon ng pamilya? Ibig bang sabihin, hindi alam ni Vicente na magkakaroon siya ng bodyguard?"

"Ganoon na nga." Si Charlie ang sumagot. "We want the job to be as discreet as possible. Aalis si Vicente papuntang Europe dahil may recordings siya roon. As much as possible, gusto ng pamilya na may bantay na si Vicente sa oras na iyon kahit hanggang sa Europe pa. Money is not an issue here. Ang gusto naming malaman ay kung may mga competitive staff ka ba na maaaring gumawa ng trabahong iyon," anito na hindi niya malaman kung bakit tila may naglalarong mga liwanag ng ilaw sa mga mata nito.

They wanted the best man. Isang bodyguard na talentado, highly skilled, at masisiguro ang kaligtasan ng singer sa lahat ng sandali. Marami silang tauhan na nagtataglay ng mga katangiang iyon. And they can be as discreet as possible. Kung tutuusin, marami na rin silang kliyente na nasa linya ng pulitika at showbusiness. Sisiw na ang ganoong trabaho.

Pero iba ang kasong ito. It was somewhat personal dahil ayaw niyang mapahiya kay Vladimir. Bukod sa kaibigan niya ito, sa pagkakaalam niya ay ito lamang ang kinaibigan ng kuya niya at hindi iilang beses na hiningan ng pabor. Now it was her turn to return the favor.

"We want the best of the best, Miss Oliveros. Do you have one?"

"Meron. Ako."

Suminghap ni Cedrick. Si Charlie ay ngumiti ng makahulugan.

"Ikaw?" kunot ang noong pagkumpirma ni Cedrick.

"I'm capable. Para patunayan kung totoo ang sinasabi ko, wala kang ibang gagawin kundi ang tanungin si Vladimir. In the first place, kaya nga kayo narito ngayon ay dahil sa rekomendasyon ni Vladimir, hindi ba?" Nakataas ang noo na wika niya. Bagama't nauunawaan niya ang naging reaksiyon ni Cedrick. Sa isang tao na hindi siya kilala ay hindi maiisip na nasa ganoong linya siya ng trabaho. Hindi siya astig tingnan. Very feminine ang mga facial bones niya. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko pero alam niya na maganda siya. Mataas siya kumpara sa pangkaraniwang height ng isang Filipina. Her curves fell in the right places. Itinatago lamang niya iyon sa mga jacket niya. Malakas ang kita ng agency kaya mayaman rin siyang maituturing.

Kung papaano siya makakalapit kay Vicente na hindi nito nalalaman na isa siyang bodyguard? Iyon ang mataman niyang pagpaplanuhan.

Tumunog ang telepono ni Cedrick. Nagpa-excuse ito bago tumayo at sinagot ang tawag. Ilang sandali ang lumipas at muli na itong naupo.

"Si Kuya Dylan ang tumawag." Imporma nito sa kanila. "Oh Miss Oliveros, si Kuya Dylan nga pala ang manager ni Vicente. The timing is just perfect dahil nagpapahanap daw si Enteng ng personal assistant." Tumingin ito sa kanya. "You're in. Mag-a-apply ka bilang personal assistant ni Enteng. We need you to be as close with him as possible."

"Tumawag na rin sa akin 'yan—wait, hindi ba niya sinabi sa 'yo na lalaki ang gustong maging assistant ni Enteng?" tanong ni Charlie.

"Ipinagdiinan pa nga," anito bago nagkibit balikat. "Up to the challenge, Miss Oliveros?"

"I'm in," sagot niya.

Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Where stories live. Discover now