Part 4

24.6K 422 2
                                    


"I CAN be your hero baby. I can kiss away the pain, oh yeah. I will stand by you forever. You can take my breath away.."

Napangiti si Vicente sa mga audience niya na siyamnapu at siyam na porsiyento ay mga kababaihan at pusong babae. Ang bawat isa ay may nakasungaw na dreamy look sa kanilang mga mata habang nakatitig sa kanya.

Vicente bow his head pagkatapos ng huling nota ng kanyang inaawit. Ang kantang 'Hero' ang huling kanta niya sa gabing iyon. "Thank you. Salamat!"

"More, more, more!" the crowd chanted in unison.

"Hey, guys, wala ba kayong ibang pupuntahan?" natatawa niyang tanong sa mga ito. Nginitian niya ang mga ito kaya naman lalong lumakas ang tilian.

"Wala!" iisang sagot ng mga ito na ikinatawa niya.

"Aww! Paano ba 'yan, may lakad ako eh," aniya. 

Umungol ang mga ito sa pagpoprotesta pagkatapos ay tila iisang tinig na humiyaw uli ng 'more, more, more!'

He was Vicente Valencia or Enteng to family and friends. Bata palang daw siya ay kinakitaan na siya ng talento sa pagkanta. At the young age, he was already a performer. Hindi natatapos ang bawat reunion ng pamilya nila na hindi siya pinakakanta. And he loved the attention and the praises kaya naman panay ang pakitang gilas niya. Ginagaya niya ang mga sikat na rock star sa Hollywood. Sa pagdaan ng panahon na-realize niya na hindi pala ang atensiyon at mga papuri na dulot ng pagkanta niya ang gusto niya kundi ang pagkanta mismo. He loves the craft. Sa puso niya ay unti unting bumangon ang isang pangarap—ang maging isang tanyag na mang-aawit.

Lumaki siya sa San Fransisco. Permanenteng umuwi lamang siya ng Pilipinas ng makatapos ng pag-aaral. Ang mga Valencia ay mayaman pero imbes na magtayo siya ng negosyo katulad ng mga pinsan niya ay pinili niyang tahakin ang landas na gusto niya, na mahal niya—ang pagkanta. Wala namang tutol sa pamilya niya maliban sa isang kondisyon; na si Dylan dapat ang magiging manager niya para mapangalagaan umano ang kapakanan niya. Dylan agreed to the idea. Hindi naman naging hadlang iyon para maapektuhan ang pagiging negosyante nito.

Pumunta siya sa ibat-ibang singing auditions—mga TV shows. Nadismaya lang siya ng mapansin niya na mas binibigyan yata ng atensiyon ang panlabas niyang hitsura kesa sa talento niya. May pagkakataon pa na sadyang ipinalya niya ang mga nota at sa pagkadismaya niya ay natanggap pa rin siya. Ganoon pa man, pinatunayan niya na may ibubuga talaga siya sa pagkanta. Sa kabutihang palad ay nagtagumpay naman siya.

"More, more!" Lumakas ang hiyawan ng mga manunuod.

Tumuon ang mga mata niya sa isang sulok ng bar. Naroon si Cedrick at nanunood ng gig niya. Pero hindi ito nag-iisa dahil may kasama itong babae. Maayos na nakapusod ang mahabang buhok nito. She wears a denim jacket and fitted denim pants. Hindi niya masyadong mabistahan ang hitsura ng babae dahil medyo mapusyaw ang ilaw ng loob ng bar. Ganoon pa man, may kung ano sa personalidad nito na nakakatawag ng pansin. At nakakatitiyak rin siya na hindi ito karelasyon ni Cedrick dahil hindi naman nagpapakita ng kahit na anong intimate actions ang dalawa hindi katulad ni Dylan noong isama nito si Lorraine sa bar ding iyon.

Inalis niya ang paningin rito at ibinalik iyon sa karamihan. "Do you want more?" Tanong niya sa audience.

  "More!"  

Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Where stories live. Discover now