Part 3

25.5K 444 1
                                    


MAHINANG napasipol si Marissa ng makita niya kung gaano kahaba ang pila ng mga nagnanais na makakuha ng autograph kay Vicente Valencia. Nasa isang mall siya noon at sinisimulang pag-aralan ang routine ng binata. Iyon ang huling leg ng mall tour at album signing ng binata bago ito pumunta ng Europe. Mamaya ay isasama na siya ni Cedrick sa bar kung saan tutugtog si Vicente.

Everybody was excited. Lalo na ang mga kababaihan na may mga hawak ng abum ng binata. Iyon na nga naman ang pagkakataon ng mga ito na makalapit sa binata, makapagpapicture, at makapagpa-autograph. Ang giveaway na poster ng binata ay ingat na ingat na hinahawakan ng mga ito na animo isang kayamanan.

Magkakalahating oras na siyang nagmamasid roon pero hindi manlang yata nababawasan ang mga nasa pila. Tila nga lalo pang humahaba ang mga iyon. Alam niyang sikat ang singer subalit ngayon lamang niya naunawaan kung gaano ito kasikat. Hindi na siya magugulat kung makailang platinum o gold ang album nito. Why, it was selling like hotcakes!

Nabigyan na siya ng briefing ni Cedrick. Alam na niya kung sino sino ang makakatrabaho niya pagdating sa career ng binata. It was a good thing na si Dylan Valencia ang manager nito. Hindi siya mahihirapan dahil alam nito kung ano ang sitwasyon. Dylan was there. Nasa isang sulok ito katabi ng asawa nito na si Lorraine.

"Oh," mahinang bulalas ni Marissa ng siksikin siya ng isang babaeng nagnanais masulyapan manlang ang binata. The girl sighed in admiration. Imbes na mainis ay napangiti nalang siya. Ibinalik niya ang tingin sa podium kung saan naroon ang binata. Abala pa rin ito pagpirma habang nakapagkit na sa labi nito ang isang kaakit akit na ngiti. Tila wala rin itong kapaguran sa pagbibigay sa mga babaeng nagnanais na magpapicture rito.

"Vicente..." she pondered the name.


Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora