Chapter 35

1K 7 0
                                    

Denmark.

Iba ang naramdaman ko simula ng makita ko muli si Shikin. Pakiramdam ko may kung anong ako nararamdaman dito. Noon pa man habang tinatanong ko ang pangalan niya ay nabighani na agad ang puso ko dito. Naging malapit ako sa kaniya ngunit biglang kaibigan. Nalaman ko kasi na ang pinsan kung si Renato ang kasintahan niya. Masakit noon pero paunti-unti ko na ring natatanggap.

Sa nangyari kahapon labis ang pagkalungkot ko sa ginawa ng pinsan kong si Renato kay Shikin. Iniwan niya ito ng walang paalam kaya ganon na lang ang pagdurusa niya ngayon dahil sa pagkawala ng taong mahal na mahal niya.

Nagawa kung maging mabuti sa kaniya. Inako ang responsibilidad na iniwan ni Renato kay Shikin. Mali man sa paningin ng iba subalit sa nararamdaman niya ngayon kailangan niya totoong magmamahal sa kaniya at alam ko na ito na ang oras para mapunta naman siya sa akin.

Nagtrabaho ako sa malaysia ng dalawang taon. Hindi madali dahil malayo ako sa pamilya lalo na kay Shikin na unang nagpatibok ng puso ko noon. Hindi ko sinabi kay Renato ang nararamdaman ko dahil ayaw kong masira ang puso ni Shikin dahil sa akin. Tinaggap ko ang offer niya biglang kaibigan at alam ko na hindi niya kayang higitan ang nararamdaman ko sa kaniya.

Bumalik ako sa pilipinas dahil gusto kong makita ang mahal ko na ikakasal sa taong mahal na mahal niya. Iba man ang nagpatibok ng puso niya subalit sapat na ng makita ng dalawa kong mata ang kasiyahan na bumabalot sa persona ng taong mahal ko na si Shikin.

Noon pinilit ko ang sakit dahil kaibigan ang turing niya sa akin at isa lamang co-worker at wala ng iba. Habang siya'y sumasayaw noon sa mini-stage ng bar doon na ako nagkaroon ng feeling sa kaniya. Napakaganda ng katawan at kinis ng balat. Doon pa lang nakuha niya na ang puso how much noong nakilala ko na siya ng lalo doon na ako tuluyan nahulog sa kaniya. Mabait siya at may taglay na kagandahan.

Ngunit sa hindi inaasahan na pangyayari isa sa sumira sa pangarap ko kay Shikin na makita siyang masaya, is yong pagkawala ni Renato. Alam ko na nasaktan siya dahil iniwan siya ng lalaking mahal niya. Subalit pinilit kung umakto tulad ni Renato hindi dahil gusto kong mahulog ang loob niya sa akin, ito ay dahil ayaw nakikitang nahihirapan si Shikin.

Nagkaroon kami ng komunikasyon ni Shikin kagabi. Tinawagan ko siya ng ilang oras upang mapanatiling magaan ang pakiramdam niya. Gusto ko rin masiguro na walang nangyaring masama sa kaniya hanggang siya'y makatulog.

Naisipan ko kasing kunin ang numero niya noong umalis kami nila Albert sa bahay nila. Dumating kasi ang mga magulang niya nun kaya hindi na kami nakapag-stay ng matagal. Binigay niya naman iyong number at niyakap ako bago umalis.

Sa lahat ng ginawa ko sa bawat yakap niya sa akin nararamdaman ko ang pagmamahal niya. Iyong yakap na parang ayaw ka niyang mawala.

Sa ilang oras naming paguusap ni Shikin sa telepono nagkaroon na ako ng time upang i-confence sa kaniya ang nararamdaman ko. Sinabi ko na Shikin mahal na kita noon pa man at sinagot niya ako ng "nahuhulog na rin ang loob ko sayo kasi napakabait mo at napakamaalalahanin salamat dahil napasaya mo ako " sa sinabi niyang iyon isa lang ang naiiisip ko salamat dahil epekto lahat ng ginawa ko napasaya ko siya na siya'y gusto kong mangayari sa kaniya.

Makalipas ang dalawang buwan.

Nahulog na ang puso namin sa isa't isa at wala na rin bumalik na Renato sa kaniya ang kasal na inaasahan ko noong una ay naging drawing na lang. Paunti-unting tinanggap ni Shikin ang nangyari nagpapatuloy pa rin sa buhay ng dahil sa akin.

***------***

Shikin.

Hindi ko alam kung bakit nahulog na agad ang loob ko kay Denmark. Bukod sa nakikita ko sa kaniya si Renato pisikal man o mentalidad naaninag ko rin na siya ang naging way para tuluyan ko ng kalimutan si Renato. Labis ang utang na loob ko kay Denmark dahil siya ang nagbigay sa akin ng kahulugan na may ikalawang pagkakataon pa para mabuhay. Baka kapag hindi siya dumating galing ibang bansa baka ako'y isang bangkay na na nakahilata sa lupa.

Stay Away From Me (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon