Chapter 20

632 8 0
                                    


After kong makuha iyong lumang diary nagtungo ako sa hospital kong nasaan si Renato na kasama ngayon si Clara na magisa na lang. Umuwi na daw kasi si Albert para magluto ng gabihan nila. Exactly 4.00pm na kasi ng hapon nong makarating ako dun.

(Huwag madidisapont sa chapter na ito, basahin niyo lang then Enjoy!)

***-----***

Clara.

Kanina pa ako nakatingin kay Shikin habang seryoso niyang binabasa ang diary ni Renato na hawak niya. Alam ko kung gaano kabigat ang nararamdaman niya. Hindi madaling malaman ang katotohanan tungkol sa isang taong matagal mo ng minamahal. Because you think that your relationship is become longer and lasting.

"Shikin," sambit ko nang mapansin ko ang mabigat na pagtaas-baba ng kanyang baba.

"Saan mo iyan nakuha?" Ma-awtoridad pero mahina kong tanong.

"Ayaw ipasabi ng taong nagtago ng diary na ito," yumuko siya na halatang nagsisinungaling, "dahil para lamang sa akin ang dairy na ito dugtong nito."

"Matagal na nating alam na mahal ka ni Renato, bakit kailangan mo pang basahin ang diary na iyan kung alam mo naman ang nangyayari sainyo noon, wala ngang araw na hindi kayo nagkasama diba?" May pagkaseryoso kong tugon.

"Renato didn't tell me about this, na- curios lang ako baka kasi sa pamamagitan nito maging masaya ako ngayong anniversary namin: na balikan ang mga masasayang araw naming dalawa. Yumuko siya bigla tapos pinunasan ang kaniyang mata. I still looking at Shikin while she sitting on a chair and reading a diary he held.

"Renato, Bakit!" sumigaw na siya sa pagkakataon na ito. Kahit hindi niya sabihin sa akin ang nabasa niya alam ko ang nakasulat doon dahil sa reaksyon ni Shikin, malamang isa itong masamang pahayag. Hindi ko alam kong paano niya ito kakayanin lahat: una si Renato na comatose, pangalawa itong diary na hawak niya. Hindi ko na alam kong paano ko siya dadamayan sa nararamdaman niya.

Binigay niya sa akin iyong diary at dali-dali siyang pumunta doon sa bed ni Renato. Nakita ko ang kong gaano nasaktan si Shikin sa nabasa niya kaya automatikong binasa ko na ang diary na hawak ko ngayon. Habang wala sa atensiyon ni Shikin ang diary nagkaroon na ako ng oras para basahin ang kadahilanan kong bakit siya biglang napaiyak.

Diary Entry 290 (iyon kasi iyong page na nakabuklat nong ibigay niya sa akin itong diary)
The last page.

Isang mapait na katotohanan ang narinig ko ngayon. Hindi ko akalain na ito na pala ang katapusan ko. Sabi ng doctor ilang taon o buwan na lang ang ilalagi ko sa mundo dahil sa comatose. Gusto kong tanungin ang diyos kung bakit sa dinami-raming tao sa mundo, bakit ako pa ang dinadapuan niya ng sakit na ito. Sa loob ng dalawang taon kasama si Shikin naging mapagmahal ako, maaruga at higit sa lahat maalalahanin. Gusto kong tanungin sa diyos bakit ako pinarusahan niya. Bakit ako pa ang nagkasakit ng ganito? Marami namang taong gustong magpakamatay, bakit ako pa ang nabigyan ng napakamalubhang sakit.

Isipin ko lang na anumang oras ay posible ko nang makaharap si kamatayan at naiiyak na ako. Marami pa akong hindi nagawa. Marami pa akong nais maranasan at magpapakasal pa kami ni Shikin. Nalulungkot akong isipin na sa sitwasyon ko ay wala akong ibang prinoblema kundi ang muling magising at makita si Shikin. Sumisikip na ang dibdib ko habang iniisip ko kung paano ko paggugulan ang natirang mga araw ng buhay ko, habang yung mga tao na nabubuhay pa walang ibang inatupag kundi iwaldas ito sa mga kung ano-anong bagay.

Dalawamput-apat na taon naging mabuti akong anak. Ni minsan ay hindi ko sinuway ang kagustuhan ng aking mga magulang. Bakit hindi na lang yung mga tarantado na nagbibigay pasakit sa kanilang magulang ang binigyan ng diyos ng ganitong uri ng sakit? Bakit ako pa na walang ibang ginawa kundi sundin kung ano man ang gusto ng magulang ko. Sa loob ng ilang taon hindi na ako muling magmamahal ng babae dahil nangako ako sa mga magulang ko na hindi ako papasok sa isang relasyon hangga't hindi pa bumabalik si Sheyin. Pero sa paghihintay ko ni anino'y walang bumalik. Kaya ng matangpuan ko si Shikin wala na akong ibang hinangad kundi maging maligaya. Sangayon din naman ang mga magulang ko sa aking napusuang babae walang iba kundi si Shikin.

Stay Away From Me (Complete)Where stories live. Discover now