Chapter 26

353 4 0
                                    

Clara.

Matapos akong tawagan ni Shikin at malaman kong kasama si Angelo sa bonding namin nagkaroon ako ng idea para malaman na niya na ako ito si Clara. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito para ipakita sa kanya na isa akong magandang dilag at hindi kapalit-palit na kagaya niyang salot dito sa lipunan.

"Maliit lang ang mundo kaya masanay na tayo na baka kapalaran pa ang magbigay ng landas para magkita kayo ng taong dahilan kong bakit ka iniwan ng taong mahal na mahal mo"

Hindi lingid sa kaalaman ko na isa siyang successful manager sa isang sikat na restuarant sa probinsiya nila Renato. Alam ko na isa na siyang lalaking kapuri-puri. Malamang sa taas ng pride niya baka hindi na niya ako makilala. Maliban sa gwapo na siya at halatang nakakaakit ang katawan mula ulo hanggang paa isa naman siyang lalaking ahas na gumagapang-gapang sa lansangan.

Hindi ko pa rin makalimutan ang nakaraan lalo na kung hindi ito kalimot-limot. Maraming bagay na dapat malinawan at hanggang ngayon malabo pa rin ang sagot sa tanong na bakit sa isang tulad pa niya ako pinalit ni Jason noon. Hindi ko mawari pero nandoon pa rin iyong pait ng nakaraan ko.

Sa hamon ng buhay kailangan na talagang maging matapang sa kapalit ng kapalaran. Kung iniwan ka sa una sa pangalawa panigurado may tatahakin kana.

'Iisa ang langit pero langing tandaan malawak ito at hindi masikip'

Nandito ako sa sala namin kanina pa ako naghihintay na lumabas si Albert sa comfort room namin dito sa baba. Halos bente minuto na akong naghihintay dito subalit wala pa siya. Naiinip na ako kasi sobrang tagal niya. Alas nwebe na ng umaga at maya maya darating na sila Shikin.
Kaya naman tumayo na ako at naglakad papunta sa c.r. kumatok ako at eksakto binuksan niya iyong pintuan kaya naman muntik na akong ma-fall sa sahig buti na lang naalalayan niya ako.

"Muntik kana doon ah." Tumingin ito sa akin habang ako'y nasa pagkakasalo pa rin niya. Amoy na amoy ko iyong fresh niyang katawan. Kitang-kita ko ang malalaki niyang muscle at anim na abs. Ang ganda ng katawan niya nakakapangakit talaga ng mga babae.

"Oo nga eh, buti na lang sinalo mo ako." Sabay ganti ko ng titig sa kanya at dahan-dahan naman niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. "Ops huwag pa." tugon ko sa kanya na siya namang iniwasan niya at tumayo na ako sa pagkakasalo sakin.

Sa totoo lang virgin pa ako at ganon din ang pagkakaalam ko kay Albert kaya gusto ko kapag gagalawin na niya ako kapag gagawa na kami ng baby at hindi lang puro sarap. Maglilimang buwan na kami pero hanggang kiss lang kami sa isa't-isa hindi ko pa kaya lalo't hindi pa kami kinakasal. Hindi naman ako apurado at nagmamadali darating din naman kami sa araw na mangayayari ang sinasabi nilang tunay na kaligayahan.

"Babe naman, sige na plsss pagbigyan mo na ako, loyal naman ako eh, saka sure ako papakasalan kita." pagpupumilit niya habang nakatayo at tinatakpan lang ng tuwalya ang buo niyang katawan. Iyong mukha niya parang nakakakonsensiya pero hindi ako madadala sa mga pasimpleng awa lang.

"Wag atat, darating din tayo diyan." sabay nag-sign ako sa kanya na magbihis ka na lang at huwag isipin kong ano ang iniisip mo, masyado pang maaga ayaw ko pang mabuntis. Saka napakamot na lang siya sa ulo at umalis para magbihis

***-----***

Tumingin ako sa salamin para makita ang kabuuan ko. Sa hindi ko inaasahan masyado pa rin akong sexy at maganda ang katawan. Na-maintain ko pa rin itong posture ko dati dahil na rin sa ehersisyo at food supliment ko araw araw. Hindi na rin bago sa akin itong kutis ko maganda pa kumpara noon. Sa palagay ko ready na akong muling makaharap si Angelo.

Para bang isang kandidata sa FHM ang nakikita ko sa salamin. Medyo okay ang height at sakto ang mukha. Palagay ko isa na itong magandang ganti sa ginawa sa akin noon ni Jason ang ipamukha sa kanya na ako ang sinayang niya pati na rin kay Angelo.

Stay Away From Me (Complete)Where stories live. Discover now