Chapter 34

631 7 0
                                    

Shikin.

Kapit lang sa pagasa na babalik din sa dati ang lahat. Iyan na lang ang pumapasok sa isip ko ngayon. Mga positibong pangayayari na ang inaasahan ko. Di ako manhid para hindi masaktan sa nangyari kanina alam ko tapos na ang trahedya na mararanasan ko pero sa puso ko nandoon pa rin iyong sakit na nararamdaman ko.

Si Albert nandito siya ngayon sa bahay. Hindi niya nagawang sundan si Clara dahil alam niya na mainit ang dugo niya rito hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kukute ni Albert at wala rin akong alam kung bakit nahalungkat pa nila ang nakaraan na nakalimutan na. Siguro iyon iyong something na nararamdaman ko kay Albert noon na dapat dati pa lang sinabi ko na ang katotohanan.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Si Renato hindi pa rin bumabalik at si Clara nama'y masama ang loob sa akin. Mukhang si Mydear na lang ang maasahan ko ngayon at isama mo pa si Denmark na sobrang bait sa akin.

Wala sila papa at mama sa bahay kasama rin nila si Sheyin nag-shopping sila kasi maraming sale ngayon. Sila rin ang pumili ng gown na isusuot ko kay Tito Lito, kaso mukhang masasayang iyon dahil bigla na lang akong iniwan ng harap-harapan ni Renato ng wala man lang paalam.

Nandito kaming tatlo nakaupo sa sala. Si Albert at Denmark ay naguusap silang dalawa. Hindi pa sila magkakilala pero si Denmark ay nagawa niyang mag-advice kay Albert sa mga gagawin niya sa kasintahan nito. Si Denmark ay napakabuting tao hindi pa man niya kilala si Albert nagawa niya itong damayan at tulungan para kahit papaano gumaan man lang din ang pakiramdam nito. Kaya mas lalo akong humahanga sa pinapakita nitong attitude.

Malaki ang tiwala ni Clara kay Albert kaya alam ko mabigat ang pasan ngayon ni Albert sa kaniyang likuran. Hindi ko rin alam kung ano ang piniputok ng puso ni Clara. Hindi natural ang pinapakita niya para pa rin siyang immatured pagdating sa mga ganito.

Wala akong mali kasi hindi ko iyon ginusto at lasing ako noon. Wala rin bunga ang ginawa namin pero bakit ganon ang inasta niya sa akin: para pinamukha niya sa akin na malandi ako at mangaagaw. Hindi ako kagaya ni Sheyin na nagaagaw ng taong kinalimutan na siya.

Nagpakababa na lang ako sa kaniya kesa itaas ang pride ko. Alam ko maiintindihan niya ang nangayari hindi man sa ngayon o baka pagdating ng panahon.

Alam ko rin na hindi niya kayang iwan basta-basta si Albert, dahil alam ko na rin ang buong nangyari kung bakit naayos na ang koneksiyon niya kay Angelo. Si Jason ay patay na at si Albert ang tanging larawan na sumisimbolo sa dating mahal niya kaya panigurado baka maya-maya o bukas ay maintindihan niya na ang nangyari alam ko may puso pa rin si Clara hindi niya matitiis ang taong mahal niya lalo ngayon araw na alam niyang sinira ko ang 6 monthsarry nila.

"Guysss.. Magusap muna kayo ah, may tatawagan lang ako." Tugon ko sa kanila.

Dama ko na medyo naging maayos na si Albert at dahil iyon kay Denmark napakagaan ng loob ko sa kanya hindi ko akalain na matutulungan niyang maging maayos si Albert. Nagkwekwentuhan na lang sila habang sinubukan kong tawagan si Mydear matagal na kasi siyang walang paramdam sa amin at hindi ko na siya nakikita nitong mga nagadaan na buwan. Na-mimiss ko na iyong lovely at napaka-swerte naming kaibigan dahil sa korean boyfriend nitong napaka-gwapo at ubod ng yaman. Inayos ko na rin iyong nagulo kong buhok sanhi ng nangyari at naging maayos na rin ang tindig ko.

4.00pm na ng hapon. Sinubukan kong tawagan si Mydear pero hindi ito sumasagot. Lumapit akong muli kay Albert at nagtanong kong may balita siya kay Mydear.

Hindi na ako nagtanim ng galit kay Albert at hindi na rin ako nagaksaya ng panahon kung nalalala niya ba ako or else. Ayaw ko ng pagaksayahan pa ng panahon iyon lalo't tapos na at nangayari na.

Lumapit ako sa dalawa habang masaya silang nagkwekwentuhan. Masaya na ngayon si Albert at dahil iyon kay Gabriel nagmeryenda sila ng juice at tinapay. Tumabi ako malapit kay Albert at nagkaroon ng pagkakataon para magkausap.

Stay Away From Me (Complete)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें