Chapter 16

618 10 0
                                    

Renato.

Sa bawat pag mulat at pag pikit ng aking mga mata katumbas nito'y luha na tumutulo rito. Bakit tila baga'y kinuha na ng kapalaran ang aking buhay. Pakiramdam ko ako'y patungo na sa puting pintuan kong nasaan sila Lola.

Aking pinagmamasdan ang dalawa kong destinasyon ang langit o ang impreyno. Pero habang nakatuon ang atensiyon ko doon sa dalawang pintong iyon iniisip ko ano na lang ang mangyayari sa mga taong nagmamahal sa akin pamilya, kaibigan at lalong-lalo na si Shikin. Iiwan ko na ba siya ng hindi pa kami nagpapakasal.

Ilan sandali lang sa pagkakatayo ko sa parehong pintuan. May isang liwanag akong nakitang lumalapit sa akin. Lumabas siya sa pintuang puti kong saan nais kong tunguhan. Medyo nasilaw ako sa liwanag na iyon kaya naman tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang aking kamay.

"Poy-poy? Apo ko" rinig na rinig ko ang boses niya at hindi ako nagkakamali. Boses iyon ng aking pinakamamahal na lola. Inakap niya ako at tinakip sa likod. Hindi na rin ako nagdalawang isip na yakapin siya. Matagal ko na siyang hindi nakikita at sa pagkakataon na ito parang gusto ko ng sumama sa kaniya. Sa daan papunta sa buhay na walang hanggan.

"Lola? Naalala mo pa po ako?" Pagpapauna ko, kumawala siya sa pagkakayakap sa akin. Iyong naramdaman ko eh, sobrang sarap sa pakiramdam tapos nanlalamig rin ang buo kong katawan. That feeling so miraculous, para akong nakaramdam ng yakap ng taong matagal ko ng hindi nakakasama, walang iba kundi si Lola.

Naaalala ko noong bata pa lang kami. Isa siyang kumadrunang sobrang mapagmahal sa mga apo niya. Sa tuwing kami'y hindi binibigyan ng pera ni mama siya ang nagbibigay sa amin para pambili ng kendi at chitchisya. Tapos yayakapin namin siya ng napakahigpit. Iyong yakap niya kanina ramdam ko na ako'y bumalik sa pagkabata.

"Iho? Poy-poy, apo ko. Gusto mo na bang sumama sa akin? Masaya sa langit doon mo mararanasan maging masaya ng habang buhay." Mahinhin na sagot sa akin ni Lola.

Sa tanong niyang iyon pumapasok ang mga katanungan tulad ng: Paano si Shikin ayaw ko naman siyang iwan ng hindi pa kami nagpapakasal. Si Mama ayaw niya na mawala ako ng maaga dahil gusto niyo maabot ko muna ang mga panagarap ko. Isama mo pa ang mga bagong ka-banda ko, paano kapag nawalan sila ng guitarist o singer? Marami akong naiisip nong sinabi sa akin iyon ni Lola pero sa puntong ito nagdadalawang isip ako kong sasama ba ako sa kaniya o hindi.

Sa malikot kong isipan halos kontrolin na ni Lola ang desisyon ko, na parang sinasabi niya na "Apo sumama kana sa akin" pero hindi rin namanawawala ang "Huwag na lang muna." Ano nga ba ang pipiliin ko maging masaya habang buhay o maging masaya sa piling ng aking pinakamamahal na si Shikin?

***------***

Shikin.

Sa wakas natapos na din ang isang oras na gamutan namin nila Clara at Mydear nandito kami ngayon sa labas ng counter na nakaupo sa mga nakahilirang upuan. Hindi namin balak magbayad, sagot daw kasi ng operator ng bus ang bayarin sa hospital, narito kami upang magpahinga at magmuni-muni sandali bago umuwi at tuluyang magpahinga.

Sa aming tatlo masasabi ko si Mydear ang maraming galos. Mula kamay maging sa tuhod may mga galos na may bulak ang nakikita ko sa kaniya. Kumpara sa amin ni Clara na band-aid lang.

"Akin na nga yang kamay mo." Sa tahimik na paligid isang boses ang gumulo rito, si Albert na kanina pa hawak-hawak ang kamay ng kaniyang sinisinta na si Clara.

Nagiba naman ang pakiramdam ko nong nag-salita na si Albert. Biglang pumasok sa isip ko si Renato. Parang hindi siya ang nagpaparamdam sa akin ngayon. samantalang dati sandamakmak na message ang natatanggap ko sa kaniya kapag hindi kami magkasama. Mga mensaheng nagpapaalala na magiingat ka at kong ano-ano pa. Nagiba iyong pakiramdam ko bigla at akong kinabahan.

Stay Away From Me (Complete)Where stories live. Discover now