Epilogue

404 15 12
                                    

"Excuse me sir J, tumawag po ang si Ms. Heaven, magsisimula na raw po ang kasal."

Mapait siyang napangiti sa narinig.

So, si Edward pa rin sa huli.

"Sir?" Untag sa kanya ng PA niyang si Waynnie.

"Tell her i won't be able to attend the wedding. Sabihin mong nasa resort ako ngayon at may meeting mamaya with Star Music, ipahatid mo na rin ang regalo ko sa reception." Sagot niya rito pagkatapos ay dinala sa bibig ang basong may lamang whisky.

Kunot-noong tiningnan nito ang dala-dala nitong notebook.

"P-pero sir, wala naman po kayong meeting ngayon with Star Music. Wala nga po kayong schedule ngayon ni isa eh. Sinabi niyo po kasi sa akin kagabing e-cancel ko lahat ng schedules niyo today."

Dahil umasa akong, ako ang pipiliin niya.

"It's a long story Waynnie. For now, i want you to book a flight for me to Macau. Gusto ko munang mag bakasyon ng ilang buwan." Nakangiting utos niya rito.

Naguguluhan man ay tumango pa rin ito, pagkatapos ay nagpaalam na.

Napatingin siya sa verandang katabi ng kwarto niya. Tama nga sigurong magpakalayo-layo na muna siya. Kahit saan kasi siya magpunta ay palagi niyang naaalala ang dalaga.

Matagal na niyang pilit na tinanggap na si Edward ang mahal nito. Pero may isang pangyayari kasing biglang nagbigay sa kanya ng pag-asa.

First time siya noong niyaya ni Kisses na uminom. Ayaw niya sana itong samahan dahil sigurado siyang si Edward na naman ang dahilan. Pero nag-alala siya dahil madali kasi itong malasing.  Kaya wala siyang nagawa kundi ang samahan ito.

Tahimik lang ito noong una. Pero ng medyo tinamaan na ay nagsimula na itong dumaldal.

"Thank you sa pagsama mo sa akin dito Joao." anito habang matamis na nakangiti sa kanya. "I have something to tell you..." biglang sabi nito sa kanya.

"Your drunk Kisses..." naiiritang sagot niya rito.

"Yeah right..." anito habang namumungay ang mga mata. "But you need to listen to me..."

"Alright..." sabay taas ng dalawang kamay niya. "I will listen to you. But we have to get out of here first." Aniya na para bang nakikipag-usap siya sa isang bata. Ayaw na niya kasing dagdagan pa nito ang nainom na alak.

Tinawag niya ang manager ng bar niya at nagpa-assist. Gusto niyang sa secret exit sila ng dalaga dumaan. Mahirap na at baka makunan pa sila ng litrato ng mga reporters at gawan ng issue.

Habang nagmamaneho ay bigla siyang pinahinto ni Kisses.

"What?!" Naiinis na tanong niya rito.

Alam niyang wala siyang karapatan. Pero hindi niya mapigilan ang sariling mainis habang tinitingnan ito, knowing na si Edward ang dahilan ng paglalasing nito.

"Bakit ka nagagalit?" Nagtatampong tanong nito. "Akala ko ba makikinig ka sa sasabihin ko." Naiiyak na sabi nito.

Huminga siya ng malalim at napatingin sa itaas. Nagbilang hanggang sampu bago ito hinarap.

"Okay, I'm sorry. Ano ba kasi yung sasabihin mo?"

Pero hindi ito umimik. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

Lasing na nga talaga ito.

"Please sweetheart, what is it that you want to tell me?" Mahinahon niyang tanong rito. Alam niyang pag ipinaramdam niya ritong naiinis siya ay alin na lang sa dalawa, maiinis rin ito o tuluyan na itong umiyak.

"Nalilito kasi ako..."

Huminga ulit siya ng malalim.

"Saan?"

"Sa damdamin ko sa iyo..." deretsong sagot nito.

Seryosong napatitig siya rito.

"S-s akin? Bakit?"

"Hindi ko alam." Naguguluhang sagot nito. "Ang alam ko ay mahal ko si Edward, p-pero pagkasama kasi kita--" Puno ng kalituhang napatingin ulit ito sa kanya. "Ewan ko, naguguluhan ako Joao. Minsan ay bigla ka na lang pumapasok sa isip ko. Para akong mababaliw sa kakaisip kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa iyo." Naiiyak na sabi nito.

Gusto niyang magalit rito, pero alam niyang wala ito sa matinong pag-iisip dahil sa alak na ininom nito. May parte sa puso niya ang nabuhayan ng pag-asa, pero kailangan niyang patayin iyon ulit. Mas magiging komplekado kasi ang lahat kung panghahawakan niya ang mga sinabi nito. Nang tingnan ulit ang dalaga ay nakita niyang nakatulog na ito.

This is so unfair Kisses...

Aniya habang mahigpit na nakahawak sa manibela.

THE END OR BOOK 2?

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon