Chapter Twelve

1.1K 59 6
                                    

Kisses's POV

Two weeks after...

Noong araw ding yun ay kinausap ni Edward si Heaven at siya naman kay Marco. Parehong nabigla ang dalawa, nagalit si Heaven sa simula at naiintindihan niya iyon. Pero nagparaya din naman ito sa huli.

Siguro pag dumating ang panahon na ready na itong makipag-usap sa kanya ay kakausapin niya ito, hihingi siya ng tawad at the same time ay magpapasalamat. Naiintindihan niya kung hindi man siya pinapansin at kinakausap nito sa ngayon, siguro ay talagang nahulog na ang loob nito kay Edward.

Si Marco naman, nabigla man sa sinabi niya ay parang may idea na ito. Masyado daw kasing mahigpit si Edward kay Marco pagdating sa kanya. Bigla rin daw itong nawawala sa mood kapag binabanggit siya ni Marco. Nagpasalamat rin siya rito sa lahat ng ginawa nitong kabutihan sa kanya at sa pag intindi nito sa naging desisyon niya.

Na shock naman si Maymay sa ibinalita niya. Right after kausapin si Marco ay ito agad ang pinuntahan niya.

***
PBBU Ground

Nakaupo sila sa ilalim ng isang puno, iilang estudyante lamang ang nandoon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakaupo sila sa ilalim ng isang puno, iilang estudyante lamang ang nandoon. Paborito nilang tumambay rito pag mayroon silang vacant time. Nakakagaan kasi sa pakiramdam dahil presko ang hangin at ang ganda rin ng pagkaka-landscape, parang kang nasa ibang bansa.

"Sorry talaga ate May kung hindi ako nag open up sa problema ko kay Edward noon, ayaw kasi kitang mag-alala. Alam ko naman kasi kung gaano ka importante sa iyo na maintain ang grades mo. Baka kasi hindi ka na makapag concentrate sa studies mo." Aniya rito.

"Baliw ka talaga! Next time, pag may problema ka sabihan mo ako. Baka ano pang maisipan mong gawin. Isip bata ka pa naman minsan." Paalala nito sa kanya.

Nginitian lang niya ito. Wala siyang planong sundin ito. Marami na itong iniisip, ayaw na niyang dumagdag.

"Huwag mo akong ngiti-ngitian diyan! Mag promise ka..." anito

"Ay...huwag na mag promise ate May. Basta pag hindi ko na kaya, sasabihan kita. Paano ako matutoto kung lagi na lang ako aasa sa iyo." Paliwanag niya rito.

"Ay naku! Ewan ko sayo. Ah basta! pag ikaw sinaktan ng Edward na yan, talagang babalatan ko siya ng buhay!" Banta nito.

"Napaka bayolente mo talaga ate May." Natatawang komento niya rito.

Pero hindi ito tumawa, sa halip ay seryoso itong tumingin sa kanya.

"Alam ko kung gaano mo ka mahal si Edward. Pero tandaan mo Kisses, huwag ibigay lahat. Dapat magtira ka rin para sa sarili mo. Huwag puro puso, gamitin din ang utak. Okay?"

Napangiti siya sa sinabi nito. Ramdam niya kung gaano itong nag-aalala sa kanya. First boyfriend niya kasi si Edward. Ayaw lang talaga nitong masaktan siya. Medyo hindi kasi maganda ang naging karanasan nito noon.

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon