Chapter Twenty-Three

858 56 20
                                    

Kisses's POV

Pagkatapos makapagpalit ng rash guard ay pinuntahan na niya si Joao sa labas. Hinahanap niya ang binata ng nilapitan siya ng isang empleyado at inabot sa kanya ang life vest na gagamitin niya.

Habang isinusuot ito ay nakatutok naman ang mga mata niya sa iba't-ibang water sports na makikita sa beach. Hindi niya napigilang matakot at kabahan. Nahirapan tuloy siyang ma e-lock ang life vest dahil sa panginginig ng mga kamay niya.

Paano ba ako napadpad sa lugar na ito!? Diyos ko! Kayo na po ang bahala sa akin.
Maikling dasal niya, habang nakayukong inaayos ang mga lock ng vest.

Nang walang anu-ano'y bigla na lang may kumuha ng mga kamay niya sa vest at banayad na hinawakan. Takang napa-angat siya ng tingin.

Joao?

"Relax...you're shaking." Nakangiting puna nito sa kanya.

Thanks to you!

"I promise you Kisses, it will be fun!" Sabi nito sa kanya.

"Fun!?" Aniya sabay bawi ng mga kamay niya rito at itinuro ang dagat. "That is not fun to me Joao, that is suicide!" Nagpapanic na sabi niya rito. "Gusto mo ba akong mamatay!?"

Bigla itong sumeryoso "If ever that will happen...?" niyuko nito ang vest niya at inayos. "Ako muna ang mauuna bago ikaw." Anito habang patuloy na inaayos ang mga locks.

Natigilan siya sa sinabi nito.

Bakit ba parang pakiramdam niya ay pwede niyang ipagkatiwala ang buhay niya rito. Iyong pakiramdam na ligtas siya hangga't kasama niya ito.

Napatingin siya rito, nakatingin rin pala ito sa kanya, tapos na nitong ayusin ang life vest niya. Napapitlag siya ng kinuha nito ang kanang kamay niya at hinawakan ng mahigpit.

"Ready to conquer your fears?" Nakangiting tanong nito sa kanya.

"As if i have a choice..." pabulong na sagot niya sa binata.

"Stop murmuring sweetheart, let's go!" Natatawang sabi nito at hinila na siya papuntang beach.

***

Tinupad nga ni Joao ang sinabi nito. Tuwing napapasigaw siya sa takot ay mahigpit nitong hinahawakan ang kamay niya. Palagi itong nakaalalay sa tabi niya.

***PARASAILING

"Open your eyes Kisses...!" Sigaw ni Joao sa kanya. Masyado kasing malakas ang hangin kaya kailangan nilang lakasan ang mga boses nila para magkarinigan.

"Nooo...!" Aniya habang mahigpit na nakahawak ang kaliwang kamay niya sa suot na life vest. Hawak naman ni Joao ang kanyang kanang kamay.

"Don't be stubborn sweetheart...! Try to relax and then slowly open your eyes..!" Sigaw ulit nito.

Iyon nga ang ginawa niya, huminga siya ng malalim at pilit na nilabanan ang takot na nararamdaman at tsaka dahan-dahang ibinuka ang mga mata. At first ay nahihirapan pa siyang dumilat dahil sa malakas na hangin, pero ng maibuka na niya ang mga mata ng maayos...

Wow...!

Ang tanging nasambit niya sa isipan habang nakanganga. Nawala bigla ang takot niya, napalitan iyon ng pagkamangha sa ganda ng view na nakapalibot sa kanya.

Tanaw niya ang buong karagatang nakapaligid sa resort. May ilang bundok rin siyang natatanaw, mga buidlings, puno at mga tao na ang liliit na tingnan.

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon