Chapter One

2.2K 79 10
                                    

Saturday 9:30 am
Kanina pa naririnig ni Kisses na may kumakatok sa pinto. Ayaw na niya sana itong pansinin at matulog na lang ulit, pero parang wala yata itong planong umalis.

Kisses POV
Siguraduhin mo lang talaga na importante ang sadya mo. Kung hindi ay talagang malilintikan ka sa 'kin. 😡

Inis siyang bumangon sa kama, hindi na siya nag abalang mag ayos. Kung sino man ang kumakatok ay wala itong karapatang pag aksayahan niya ng oras para mag ayos. Wala rin naman siyang inaasahang bisita sa araw na yun.

Suot niya ay isang maluwag na white t-shirt na may print ni Winnie the Pooh na hanggang wala pa sa kalahati ng hita niya. Dahil maluwag ito, halos kita na ang kaliwang balikat dahil medyo na hatak pababa ang damit niya sa kaliwa. Magulo ang buhok na lagpas lang ng kaunti sa balikat. Ang yellow eye mask niya ay ginawa niyang headband. Hindi na niya tsinek if may laway ba siya sa gilid ng bibig niya or wala. Pero mostly ay meron. 😂 Kinuha ang eyeglass na nasa study table at tsaka tinungo ang pinto.

Hahaha...wala akong pakialam ano man ang sabihin niya sa itsura ko. Hindi ba alam ng mokong na to na isang malaking kasalanan ang nagawa nito? Tiyak na hindi niya ito kilala, dahil alam ng lahat ng kakilala niya na ayaw na ayaw niyang ginigising siya ng ganitong oras sa araw ng sabado at linggo.

Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto. Humanda ka ngayon sa 'kin.

Istorbohin mo na ang lasing huwag lang ang taong wala pang planong gumising.

"Whoa!!!"
Napaatras bigla ang taong nasa harapan niya, masyado kasi itong malapit sa pinto kaya ng buksan niya ay nagulat ito pati na rin siguro sa itsura niya.

Gusto man niyang matawa sa reaksiyon nito ay hindi na niya nagawa. Dahil para siyang nabuhusan ng malamig na tubig ng makilala ang lalaking nasa harapan niya. Napanganga pa siya dahil never in her wildest dream na mangyayari ang eksenang ito.

"Is that you Kisses?" Tinitigan siya nito ng mabuti, making sure that he is right. Medyo lumapit pa ang mukha nito sa kanya ng kaunti.

Gustuhin man niyang umatras ay parang nanigas na ang katawan niya.

"This is not happening, tulog pa ako di ba? Tama panaginip lamang ito." 😴

Pinikit niya ng mariin ang mga mata, tinawag lahat ng mga Santo para magising na siya. Matapos ang ilang segundo ay minulat niya ang mga mata, hoping na wala na ito sa harap niya. Pero mas lalo siyang nagulat dahil masyado na pa lang malapit ang mukha nito sa kanya.

Ngumiti ito, hinawakan ang chin niya itinulak pataas para sumara ang bibig niya.

"Good morning Kisses!"

Nalulon yata niya ang dila niya dahil walang ni isang salita ang lumabas sa bibig niya.

Ramdam niya ang hininga nito sa kanyang mukha, naitikom naman niya ng mariin ang bibig niya.

Kahit nag mouthwash man lang sana siya.
Gosh! This is so embarassing.

Inilayo nito ang mukha sa kanya, pero ang distansya kung saan ito nakatayo ay malapit pa rin sa kinatatayuan niya.

Nang medyo humupa na ang pagka gulat niya ay inayos muna ang eyeglass na medyo bumaba sa ilong niya at tinitigan ng mabuti ang nasa harap tsaka nagsalita.

"Edward?" Bakas sa boses niya na hindi pa rin kumbinsido na ito nga ang nasa harapan.

"Nah...You scared me, i thought you lost your tongue." Natatawang biro nito.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Ngayon niya gustong magsisi kung bakit hindi muna siya nag ayos bago binuksan ang pinto.

"What are you doing here?" Inunahan na niya itong magsalita bago pa ito mag komento sa itsura niya. Pa simple rin niyang itinaas ang damit sa may kaliwang balikat.

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon