Chapter Twenty-Two

782 54 16
                                    

Joao's POV

"Mauubos ba natin ang lahat ng ito?" Tanong ni Kisses habang nakatingin sa mga pagkaing nakalagay sa mesa.

"The way you look at the foods right now? i'm sure mauubos natin yan." Nakangiting sagot niya sa dalaga.

Isa sa mga nalaman niyang impormasyon tungkol rito ay ang hilig nito sa pagkain. At napatunayan niya iyon kaninang umaga ng sinabayan niya itong mag-breakfast. Napaisip tuloy siya kung paanong hindi ito tumataba.

Napabungisngis naman ito sa sinabi niya. Hindi man lang siya nito kinontra.

Napangiti siya sa naging reaksiyon nito, kung iyong mga dating nakaka-date niya siguro noon ang sabihan niya ng ganoon, malamang ay namula na ang mga iyon sa hiya or baka inaway na siya.

"Hmmm...kain na tayo?" Nahihiyang tanong ng dalaga. Mukhang gutom na nga talaga ito.

Nakangiti niya itong tinanguan. Agad nitong sinimulang kumain. Maya-maya ay napansin nitong hindi pa rin siya kumikilos.

"Hindi ka na naman ba kakain?" Nag-aalalang tanong nito. "Hindi ka rin kumain kanina kaya huwag mong sabihing busog kana naman." Anito sa kanya.

Maniniwala kaya ito kung sasabihin niya ritong makita lang niya itong kumain ay busog na siya?

Tsss! Ang corny Joao, huwag na!
Saway niya sa sarili.

Ganito ba talaga pag inlove? Or baka naman ginayuma na siya ng babaeng ito!? Pwede rin yun...
Aniya sa sarili habang matamang nakatigtig sa dalaga.

***
Kisses's POV

Bigla siyang kinabahan sa paraan ng pagtitig ni Joao sa kanya. Para kasing ipinapahiwatig nitong may nagawa siyang kasalanan rito.

Teka, napagalit na naman ba niya ito?
Tumahimik ka na lang kasi Kisses!
Baka magbago pa ang isip niyan dahil sa kakulitin mo!

"C-concerned lang naman kasi ako. Pero okay lang kung ayaw mo talagang kumain. May mga panahon talagang nawawalan tayo ng ganang kumain. Pwedeng dahil sa stress or pwede ring wala lang! Nawawalan lang talaga tayo ng gana sa pagkain. Nararanasan ko rin yan minsan, kaya naiintindihan kita. Pero baka may gusto kang kainin na wala rito sa inorder mo? Although okay na ito para sa akin. Pero naiintindihan kita, hindi naman kasi pare-pereho ang panlasa ng bawat tao. Kaya okay lang yan, it's...normal" nakangiting sabi niya rito, pinipigilang ipahalata rito na hiningal siya sa mga pinagsasabi niya.

Ano nga ulit ang point ko?
Wala kasi siyang naintindihan.

Natawa ito sa kanya.

"Kumain ka na nga, gutom ka nga talaga siguro. Kung anu-ano na lang kasi ang pinagsasabi mo." Anito sa kanya habang sinisimulan na ring kumain.

Tsss! Kakain rin naman pala, pinakaba pa ako!

***
Kisses's POV

Pagkatapos nilang kumain ay napagkasunduan nilang magpalit muna ng damit at magkita na lang sa lugar kung saan nakaparada ang electric cart nila kanina.

Pagkatapos nilang kumain ay napagkasunduan nilang magpalit muna ng damit at magkita na lang sa lugar kung saan nakaparada ang electric cart nila kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon