Chapter Two

1.1K 74 13
                                    

After five minutes

Tapos na siyang maligo, mag toothbrush at magbihis. White t-shirt and black shorts.

Wow, that was record breaking.

Gustuhin man niyang mag make-up ay hindi na niya nagawa dahil sunod-sunod na katok na naman ang nagpagulantang sa kanya.

"Kisessss...!"

"Coming..." nagmamadaling tinungo niya ang pinto habang nagsusuklay ng buhok.

"What took you so long?" Inip nitong tanong.

"Sorry..." hingi niya ng paumanhin, ng tuluyan na itong makapasok ay isinara na niya ang pinto.

"Nice place by the way..." komento nito sa apartment niya. Nilapitan nito ang pintuan na patungo sa terrace.

"Thank you, kailan ka pa dumating?" Tanong niya.

Dahil sa nakatalikod ito sa kanya ay napagmasdan niya itong mabuti. Siguro ay nagbabasketball pa rin ito or maybe his into gym dahil maganda ang build ng katawan nito, hindi yung malaki, sakto lang.

May abs kaya ito? Napahagikhik siya sa naisip.

Bumaba pa ang mga mata niya hanggang sa napalunok siya sa napansin kay Edward.

Hmmm...sexy butt...

Bigla siyang namula at kinastigo ang sarili.

Kisses, tumigil ka!

Nang tingnan niya uli ito ay nakaharap na pala ito sa kanya. Bigla siyang pomormal.

"Are you okay?" curious nitong tanong.

"Yeah, im fine." with a smile para hindi nito mapansin ang pamumula niya.

"Kailan ka nga uli dumating?" Tanong niya uli dahil hindi niya masyadong narinig ang sagot nito kanina dahil nga sa ginagawa niyang pag iinspeksyon sa katawan nito.

"Last week, naka check-in ako ngayon sa Fairmont Hotel."anito.

"What?!" Nagulat siya na noong isang linggo pa pala ito dumating. "Hindi ka man lang nagpasabi?" May himig pang-aakusa sa boses niya.

"Actually alam nila tito Kevin na darating ako si Christian nga mismo ang sumundo sa akin sa airport." Pagbibigay alam nito sa kanya, habang itinuloy nito ang pagkilatis sa apartment niya. Parang balewala lang rito na hindi siya na inform na uuwi pala ito ng Pilipinas.

"Oh...really" na dismaya siya sa nalaman.

"What are you doing here then? Kung nagkita na kayo ni Kuya, tiyak alam mong nasa Masbate siya ngayon." Habang taas ang isang kilay.

"I know he's in Masbate but darating siya ngayon dito. So i'll just wait for him here." Umupo ito sa sofa at ipinatong ang dalawang paa sa center table.

Gusto niya itong itulak palabas ng apartment.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Maging masaya dahil after ten years ay nagkita uli sila ni Edward or magtampo dahil hindi man lang siya na inform. Pwede ring magalit dahil parang hindi man lang siya nito na miss after all those years na hindi sila nagkita. A week after he arrived tsaka lang ito nagpakita sa kanya.

Pinili niya ang pangatlo.

"Suit yourself, iiwan ko na lang sa iyo ang susi ng apartment dahil may lakad ako ngayon." At tsaka naglakad patungong kwarto upang mag-ayos.

"Wait?" Habol nito sabay hawak sa braso niya. Napaharap siya rito. "Ngayon lang tayo nagkita after ten years tapos iiwan mo ako rito?" May himig tampo.

"Tama, TEN YEARS!". Binigyang diin niya kung gaano sila katagal na hindi nagkita."at last week ka pa pala dumating wala man lang sa inyo ang nag inform sa akin?" Balik tanong niya rito.

"Alright, i'm sorry." Sabay taas sa dalawang kamay. "Naging busy kasi ako sa pag comply ng mga requirements para makapag enroll sa PBB University. Nakipag bonding din ng ilang araw sa mga kabarkada namin noon ni Christian dahil nga babalik na nga ng Masbate ang kuya mo." Paliwanag nito.

Wala akompake...!

"Hintayin mo na lang si Kuya, may lakad pa ako." tatalikod na sana siya ng hinawakan siya nito sa beywang at hinila pabalik.

"Hey..." sa malambing na boses. Dalawang kamay nito ngayon ang nasa beywang niya kaya mas napadikit ng husto ang katawan niya rito.

"Don't you miss me?" malambing nitong tanong.

Napatitig siya rito.

"Pinagtitripan mo ba ako?" Angil niya rito.

Tinawanan lang siya nito pero hindi pa rin ito bumibitiw.

Pinagmasdan niya habang tumataw.

Oh God, after ten years naging triple ata ang kagwapuhan nito. Although half german half pinoy si Edward, mas nanaig ang pagiging mestiso nito.

Mula sa mga mata nito, ilong ay napatingin siya sa mga labi ng binata.

Ilang babae na kaya ang nahalikan nito sa Germany? Gustuhin man niyang magselos ay wala naman siyang karapatan. Nanlumo siya sa naisip at napayuko, parang gusto niyang maiyak.

Huminto ito sa pagtawa.
"I miss you" halos pabulong na sabi sa kanya ni Edward, sapat lang upang marinig niya.

Galing sa pagkakayuko ay napatitig siya rito, nakita niya sa mga mata nito ang lungkot at pangungulila. Ngumiti ito na hindi man lang umabot sa mga mata.

Ang pinipigilang luha kanina ay tuluyan ng nalaglag, niyakap niya ito ng mahigpit.

"I missed you too so much" habang umiiyak.

Hindi mo lang alam kung gaano kita na-miss Edward. Kung gaano ko inaasam na dumating ang araw na ito.

"I know, and i'm sorry baby. Ayaw ka lang kasi naming ma distract dahil nagte-take ka pa noon ng entrance exam sa PBB U." Paliwanag nito, habang hinahaplos ang likod niya para tumahan na siya. "Alam mo bang na shock talaga ako sa itsura mo kanina? Akala ko tuloy mental hospital ang napasukan ko." Biro nito na umobra naman dahil natawa siya.

"Ah...ganun, so baliw pa la ako sa paningin mo kanina? Ha?" At pinaghahampas niya ito sa dibdib. Tumatawa rin ito pero hindi siya binibitawan.

EDWARDS POV

Yes, but so damn sexy...

Na shock siya sa naisip.

No Edward, she is your bestfriend's sister and the daughter of your parent's closest friends. Para mo na siyang kapatid.

Bigla siyang lumayo kay Kisses, parang napaso.

Nagtaka naman ito at medyo napahiya sa inasal niya. Magsasalita sana ito ng biglang bumukas ang pinto.

"Kuya Tiantian!" masaya nitong sinalubong ang kapatid ng yakap.

Huminga muna siya ng malalim, pilit inaalis ang tumatakbo sa isipan niya kanina. Akmang lalapitan na sana niya ang matalik na kaibigan ng biglang may pumasok sa pinto.

Heaven?...Oh no...

"Honey...!" masayang bati sa kanya ng babaing pumasok, excited na lumapit sa kanya at niyakap siya. Nabigla pa siya dahil hinalikan siya nito sa labi.

Kitang kita niya kung paano nanlaki ang mga mata ni Kisses sa nasaksihan.

to be continued...

***

Don't forget to leave a comments below. 😊 Just want to know what you think of the story...😊

I Love You Always Forever ( BOOK 1 ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon