Siopao: Asado at Bola-Bola

3 0 0
                                    


Ito nanaman po ako
Muling lumusong sa daan
Daan na sabi kong di ko babagtasin
Sapagkat palaging may sakit

Tindahang hindi ko babalikan
Pero heto't muling nagbalik
Sa tinda ako'y napa-ibig

Parang kahapon lang
Lahat ng alaala'y bumalik
Saya, hirap, at sakit
Lahat ay nanumbalik
Ngunit ang pinakananaig, pag ibig

Siopao ang paboritong bilhin
Habang naghihintay, madalas kanin
Bola-bola ang gusto mo
Pero ang akin ay asado

Parang pag ibig mo
Kahit na alam kong binobola mo lang ako
Heto pa rin ako, asadong asado
Na mamahalin mo ako bilang ako

Hear Thy Heart...Where stories live. Discover now