VII. Anong Sey Mo?!

184 5 6
                                    


"HUWAT?!"

Napausog ako sa kinauupuan ko at nagsisimula na naman ang mouth machine gun ni Quinton at tatadtarin ako ng ka-OA-han nito.

"Anong say mo?! OMG Sey! Tama ba narinig ko?!"

"Oo Quinny," Napabuntong-hininga ako. "Niyaya ko ang presidente na magpakasal kami—"

"Huwat?! Huwat?! OMG! O-M-G! Pakiulit nga one more time!"

"Paulit-ulit? At tigilan mo nga 'yang kagagahan mo na 'yan; daig mo pang nanalo sa Wowowow."

"Bruha! At ikaw pang may ganang magalit sa'kin! Alam mo ba 'yang ginawa mo bes?! Like O-M-to-the-gee-gee-gee-gee! Bakit mo naman sinabi 'yun?!"

Habang patuloy-tuloy ang ka-OA-han nung isa, ako naman ay napatingin sa labas ng bintana. Nasa lounge kami ng executive floor kung saan kaming dalawa lang ang nandito, at dito muna kami tumambay para makapagpahinga si Lolo Honesto sa kuwarto nito.

Kaninang umaga ko lang nasabihan si Quinton sa nangyari at agad naman itong dumalaw at inihatid na rin sa'kin ang mga gamit ko. Nakuwento ko na rin sa kaniya ang ginawa kong kagagahan kaya 'to nagwawala ngayon sa tabi ko.

Mula nang mangyari 'yung kagabi hindi na kami nagkita pa ng presidente at kinailangan din nitong umalis nung gabing 'yun, at mas mabuti ngang hindi muna kami magkita at hindi ko alam kung ano sasabihin o kung mahaharap ko pa ang mukha ko sa kaniya.

Hindi ko talaga alam kung ano pumasok sa isip ko at nasabi ko 'yun sa pangulo; para ba kong nasaniban at nawala sa tamang pag-iisip nung mga oras na 'yun.

Napatingin ako sa gitna ng malaking lounge kung saan naganap ang pangyayari — kung saan sinabi ko sa kaniya,


Sir Pres, will you marry me?


Bigla akong napayuko kasabay ng pagtakip ng mukha ko. "Nakakahiya talaga beks!"

"At nakakahiya talaga bes!" balik nito sa'kin. "Ano bang nasinghot mo at nagawa mo 'yun? Alam kong may pinagdadaanan ka, Sey— from Gagamba Girl, to nationwide MOMOL with the pres, and now your grandpapa! Sa dami-dami nang problema mo hindi na talaga malayong masiraan ka na ng ulo! Pero 'wag naman to the point na ibebenta mo na 'yang virginity mo sa presidente! Ibang level na ng kasiraan 'yan— pang mental hospital na 'yan!"

Napatingin ako rito. "Gaga! Niyaya ko siyang magpakasal — hindi makipagtalik!

"Mas gaga ka! Siyempre after marriage that's when the magic happens!"

"Hay ewan ko ba," Napasandal ako sa sofa at napatitig sa bintana. "...Siguro nga't nasabi ko na lang 'yun dahil sa dami-dami nang iniisip ko. At sa sunod-sunod na pangyayari nawawala na ko sa tamang pag-iisip."

"Ang hirap naman din kasi ng hiling ng lolo mo. I mean madaling magpakasal, ang mahirap ay maghanap ng lalaking gustong magpakasal sa'yo. Himala nga kung makakakita tayo!"

"Wow, salamat ha, beks." sarkastiko kong sagot.

"No problem, bes...OMG!" Bigla 'tong napangiti. "Ako! Ako magpapakasal sa'yo!"

"Ano? Eww! No way— Aray!" Napahawak ako sa hinampas niyang braso ko.

"Bruha! Pekeng kasal lang naman ang gagawin natin! And excuse me, never in my life pinangarap kong magpakasal sa babae!"

"Sira! Eh alam ni lolo na bakla ka!"

"Sabihin natin na bi ako, duh! Sabihin ko lang na na-in love ako sa'yo! Kung may titibo-tibo, ako naman ang babakla-bakla!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Pres. & IWhere stories live. Discover now