IV. Tsismis ng Palasyo

176 6 1
                                    


Dumating na ang pinakahihintay na araw ng mga mamamayan, at ilang sandali na lang ay haharap na ko sa mga kamera—kasama ang pinakamakapangyarihang tao sa buong bansa.

Ngayong gabi ay ang special live interview ng Dekada kay Pres. Montes de Oca, kung saan mapapanood 'to ng milyon-milyong Pilipino sa loob at labas ng bansa, at ito na rin ang pagkakataon ko—


Ang pagkakataon na sumikat ang ate niyo!


Naging sobrang stressful talaga sa'kin ang mga nakaraang linggo—lalo na nung mangyari ang Gagamba Girl episode—pero ngayon masasabi kong worth it lahat dahil ilang sandali na lang ay malalaman na ng taong-bayan si Seychelles F. Lafuente—the next big TV star!

Malapit ko nang sundan ang yapak ng mga iniidolo kong hosts kagaya nila Oprah Winfrey, Ellen Degeneres, at Steve Harvey!

Kasama ang katambal kong si Quinton, makikilala kaming dalawa as the Philippines' next King and Queen of Talk!

Nai-imagine ko na: ang pinakamainit at pinakasikat na showbiz talk show ng bansa—at nasa prime time slot kami! Magiging fully-booked lagi ang palabas at hindi kami ang lalapit sa mga artista, kung 'di sila ang lalapit dahil kapag nasalang sila sa hot seat namin, siguradong kinabukasan sila na ang magiging hot topic! Pero siyempre, kailangan nila maghintay at laging puno ang schedule namin~

At bukod doon aalukin nila ako na maging host ng mga palabas, at dadagdag na rin diyan ang mga sponsorships ko~

Ia-advertise ko ang Downy, Dove, Maggi, Lucky Me,  Zonrox, and many more to come!

Napangiti ako nang maisip ang isa sa magiging commercials ko. "Me? The new face of Pantene—"

"Hoy republika ng Seychelles!"

Biglang naudlot ang pagpapantasya ko at napatingin sa kaibigan ko. 

"Tingnan mo 'to, kanina pa ko datdat ng datdat dito at ikaw naman diyan nasa tralala land."

"'Sensya na Quinny, iniisip ko kasi 'yung isa sa magiging TV ads ko. I'll be the new face of Pantene~"

"Anong the new face of Pantene? Bakit shinashampoo ba 'yang mukha mo?"

"Ito naman, nangangarap lang o." tugon ko. "Tiyaka bago mangyari 'yun kailangan munang mangyari ang show natin; The Bes & Beks Show!"

"Kung gusto mong mangyari 'yan mag-pokus muna tayo dito," sabi niya bago bumalik sa script nito. "At kailangan muna nating isipin kung paano palulusutin 'yang pangalan ng show natin kay sir Cis."

Bumalik na rin ako sa hawak kong script at ni-review 'to ulit, pero hindi ko na naman mapigilan isipin kung ano na mangyayari mamaya.

Hindi pa rin ako makapaniwala na mabibigyan kami ng pagkakataon na mapasalang ang pangulo sa palabas namin. Ito na talaga ang sinasabi nilang super duper big break at ihahataw ko na lahat dito!

Todong suporta nga sa'min ngayon ang PBC; sa loob lamang ng dalawang linggo, pinaghandaan talaga ng kumpanya namin ang araw na 'to. Kung sabagay hindi na nakakapagtaka, nang malaman ang balita binigay nila lahat ng kailangan namin kaya naging smooth sailing ang pagre-ready para sa espesyal na araw na 'to. Sabi nga ng mga katrabaho ko kulang na lang halikan nila mga puwet namin sa pangyayari; dati kasi dinadaa't daanan lang kami ng mga tao, at iba sa kanila hindi alam ang Dekada, pero ngayon maraming bumibisita sa department, tinatanong kung paano namin nakuha ang pangulo sa palabas namin.


At siyempre, secret lang natin 'yun~


The Pres. & IWhere stories live. Discover now