II. Nag-trending Ako

170 7 3
                                    


Hulaan ko, pagkabukas na pagbukas pa lang ng TV, radyo, at social media niyo, ang unang nabasa—o narinig—niyo ay malapit sa mga headlines na 'to:


TERRORIST ATTACK AT PHILIPPINES SONA


ASSAILANT ASSAULTS HEAD OF STATE  


PH PRESIDENT'S LIFE AT RISK 


Kung iniisip niyo ang tinutukoy nila ay ang lalaking may tangkang patayin ang minamahal nating presidente, well hindi—hindi siya.


Ako 'yun.


Nag-headlines ako both sa local at international news; ang litrato na nasa ere ako bago ko tuluyan bagsakan ang pangulo ay hindi lang nasa harapan ng mga dyaryo, kung 'di sa internet ay nagkalat din siya.

May mga nag-photoshop nga ng litrato ko at kung anu-ano pinaggagawa dito—mga walang hiya!

Lalo na ang video ko! Nakuhanan 'yung mismong pagtakbo ko sa mesa bago nag-ala Supergirl para saklolohin ang presidente! Nagkalat 'to sa Facebook, Twitter, Youtube, at lahat naka-ilang milyong views!

At hindi pa tumigil dun! Ginawan pa ko ng remix version! 

Meron naman isang gumawa ng video kung saan kinuha ang larawan ko sa ere at ginawa akong ereplano na nakikipag-karera sa fighter jet planes!


Naging meme ako guys, naging meme ako.


At siyempre, nag-top trending ako sa Twitter; ang pinakaginamit na hashtags nung araw na 'yun ay #SONA2017 at #SONAGagambaGirl at parehas silang nakakuha ng halos 50 million hashtag tweets within 24 hours.


At oo, na-break ko 'yung sa AlDub.


Napabuntong-hininga ako nang pinanood ko ulit ang video sa facebook. Malapit na siyang mag-5 million likes, at pati rin 'yung shares at comments humahabol.

Ni-like ko na rin siya para hindi KJ.

In a way natupad ang pangarap ko na maging sikat—isang sikat na terorista.

Pagkatapos nung eksena na 'yun, siyempre hinuli ako, at grabe ang nangyari sa'kin! Hindi naman ako tinorture or anything, pero dinala ako sa NBI at dun kinuha ang personal information ko at tinanong sa'kin 'yung typical questions na bakit ko ginawa 'yun, pinadala ba ko ng opposition group para i-assasinate ang presidente, affiliated ba ko sa mga terorista, nagda-drugs ba ko, etc.

Siyempre, sinabi ko ang totoo na may nakita akong lalaking may tangkang patayin ang pangulo. Nung una ayaw pa nilang maniwala at wala akong mapakitang ebidensya, kaya ni-request kong ipakita sa'kin ang mga CCTV at litrato ng mga security guards nung araw na 'yun para ituro ko, pero hindi ko 'to nakita.

Kinakabahan na nga ko at posibleng makulong ako, pero buti na lang na-confirm 'to nang may isang bodyguard na nakakita rin sa lalaki at balak pa niya 'tong pigilan, kaso naunahan ko siya. Unfortunately, nakatakas ang suspect dahil nagkaguluhan na sa session hall at hindi na 'to nahabol pa. 

After three days in detention, pinakawalan din ako—thank God! At ang isa pang good news ay apart sa mga humuli sa'kin at ilang tao sa gobyerno, walang nakakakilala sa babaeng nag-ala Wonder Woman sa House of Representatives at binagsakan ang pangulo.

The Pres. & IWhere stories live. Discover now